Thursday , June 4 2026

Fyang iniirapan si JM kapag may tampo

Maricel Soriano Fyang Smith JM Ibarra

MA at PAni Rommel Placente TINANONG ni Maricel Soriano ang magka-loveteam na sina Fyang Smith at JM Ibarra, nang mag-guest ito sa kanyang Youtube channel, kung ano ang pinag-aawayan ng mga ito? Sabi ni JM kay Fyang na natatawa, “Ikaw ang sumagot.  Ikaw ang laging may rason, eh.” Sagot naman ni Fyang, “Siguro po, ‘yung mga maliliit lang po na mga bagay. Selosa po kasi ako. “Siguro …

Read More »

Bamboo at Ely special guest ng Cup of Joe sa Sandali Fest

Cup of Joe Bamboo Ely Buendia

PABULOSO ang dalawang guests sa Sandali: The Cup of Joe Fest na gaganapin sa May 23 sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan. Dalawang OPM icons ang inanunsyo ng Cup of Joe sa kanilang social media account na magiging bahagi ng concert. Sila ay sina Bamboo at Ely Buendia. Very proud ang COJ na makasama sa concert ang dalawang OPM legends sa una nilang concert sa PSS na …

Read More »

John at Heart walang ilangan

John Prats Heart Evangelista

I-FLEXni Jun Nardo KANAL ang turing ni John Prats sa  sarili noon kompara sa naging girlfriend niyang si Heart Evangelista na mataas ang tingin niya sa kinalalagyan ng global fashion icon. Eh tapos na ang Heart-John episode sa buhay nila kaya naman kitang-kita sa guesting ng actor-director sa Heart World na walang bitterness sa isa’t isa. The friendship is still there. Ang gandang panoorin ng usapan …

Read More »

Ian Veneracion todo-suporta kina Daniel at Kaila

Ian Veneracion Daniel Padilla Kaila Estrada

ni Allan Sancon HINDI naiwasang mausisa si Ian Veneracion tungkol sa relasyon nina Daniel Padilla at Kaila Estrada. Sa kabila ng intriga tungkol sa umano’y namumuong relasyon ng dalawa, naging maingat ngunit very supportive ang aktor sa kanyang sagot.  Ayon kay Ian, “Whatever direction they want to take, I love them both. And they are very good people.”  Kitang-kita sa kanyang pahayag na malaki ang …

Read More »

Bagong Filipino vocal grp sumalang sa matinding training

Blue Dreamers PH

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INILATAG ngayon pa lang ng project director na si JM Gutierez ang mga plano niya sa bagong Filipino vocal group, Blue Dreamers PH Ang grupo ay kinabibilangan nina Shayne Monreal, Zhian Mendaza, Jairex Tan, Xanxan Tan, atJarred Salvador. Kasabay ng pagpapakilala sa Blue Dreamers PH ang paglulunsad ng kanilang album na Lowkey Tayo. Bukod sa pagkanta gagawa rin ng pelikula ang grupo …

Read More »

Jennylyn niregaluhan ng 18K diamond bracelet ni Rei Tan

Jennylyn Mercado Rhea Tan Beautederm Reverie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez GULAT NA GULAT at hindi agad nakapagsalita ang Reverie endorser na si Jennylyn Mercado nang bigla siyang bigyan ng 18-carat diamond bracelet ng CEO and President ng Beautederm na siRei Anicoche Tan. Nabigyan na raw kasi si Jen ni Ms Rei ng regalo kaya hindi niya inaasahan na mayroon pang kasunod ang naunang birthday gift ng matagumpay na …

Read More »

Sitti nagbabalik sa concert stage via “Sittiscape: The City of Bossa”

Sitti Navarro

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BALIK sa concert stagesi Sitti sa darating na Sunday, Mayo 17, 2026 para sa “Sittiscape: The City of Bossa” na gaganapin sa Newport Performing Arts Theatre. Ito ay isang one-night anniversary concert para sa ika-20 taon ng “Café Bossa,” ang album na nagpakilala ng “Para Sa Akin” sa mas maraming Filipino. Nang i-record ni Sitti ang Para Sa Akin noong 2005 ay hindi niya …

Read More »

Goal ni Toledo nagdala sa Beach Hut sa PFF Futsaliga final laban sa perpektong FEU

Jodie Banzon ng Beach Hut Dai Dolino ADC PFF Futsaliga Womens

ANG kauna-unahang PFF Futsaliga Women’s Division, na inihahandog ng Philippine Sports Commission (PSC), ay patungo na sa isang kapanapanabik na pagtatapos matapos magningning ang Far Eastern University (FEU) at makalusot naman ang Beach Hut FC sa magkaibang laban sa semifinal sa Philsports Arena, ang mabilis na sumisikat na “House of Futsal” ng bansa. Ang Lady Tamaraws ang unang koponang nakakuha …

Read More »

Matatag na ugnayan para sa pagpapaunlad ng grassroots sports muling pinagtibay
QC, TriPhil Nagkaisa para sa 2026 National Age Group Aquathlon

QC TriPhil

OPISYAL na nilagdaan ng Quezon City LGU sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Carlo Sotto, katuwang ang Triathlon Association of the Philippines sa ilalim ng pamumuno ni Tom Carrasco, kasama si Nico Carrasco, ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa idaraos na 2026 National Age Group Aquathlon sa Mayo 17, sa Amoranto Sports Swimming Pool. Layon ng nasabing pagtutulungan na higit pang palakasin ang pagsusulong ng sports development …

Read More »

Goitia: Ang Nangyari sa Senado ay Higit pa sa Usapin ng Liderato

Goitia

AYON kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, hindi basta simpleng pagpapalit ng liderato ang nangyari sa Senado nitong Lunes. Para sa kanya, malinaw na may layuning pigilan ang impeachment trial bago pa ito makapagsimula. Aniya, mahirap balewalain ang naging takbo ng mga pangyayari. Isang senador na matagal nawala ang biglang bumalik. Apat na senador mula sa mayorya ang lumipat …

Read More »

‘Pinayagan kami ni Sotto na pasukin ang Senado’ — NBI Director Matibag

Aksyon Agad Almar Danguilan

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PAGSISIMULA pa lang ng linggo, nagulantang ang Senado at maging ang mga opisyal at empleyado nito. Hindi ito dahil sa coup na nagresulta sa pagpapalit kay Senator Tito Sotto ni Senator Alan Peter Cayetano bilang Senate President. Ang mas seryosong usapin ay ang ginawa ni Sotto na itinuturing na paglapastangan sa Senado bilang institusyon. Noong …

Read More »

CHED, target ang pagpapababa ng edukasyon

Firing Line Robert Roque

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG tunay na nakapaglatag ang Commission on Higher Education (CHED) ng isang makabuluhang reporma sa General Education (GE) curriculum, bakit ngayon ay may matinding pagtutol mula sa akademya? Hindi lamang tungkulin ng CHED na paikliin ang kolehiyo tungo sa mas “episyenteng” landas sa trabaho. Sa ilalim ng Higher Education Act of 1994, mandato rin …

Read More »

Mahigit P2-M halaga ng shabu nakumpiska; 2 bigtime tulak sa Bulacan arestado

Pulilan Bulacan PNP Police

MAHIGIT P2 milyong halaga ng pinaghhinalaang shabu ang nakumpiska habang dalawang suspek ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Cutcot, Pulilan Bulacan kamakalawa ng alas-3:00 ng hapon. Ang anti-illegal drug operation ay ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit ng Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng Pulilan MPS at pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement …

Read More »

P30-M halaga ng mga kagamitan at ilegal na produkto nakompiska sa Pampanga

PNP CIDG

MATAGUMPAY na nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tinatayang aabot sa Php30 milyong halaga ng mga kagamitan at ilegal na produkto matapos isinilbi ng mga operatiba ang isang search warrant sa San Fernando City, Pampanga. Nanguna sa pagsisilbi ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court sa San Fernando …

Read More »

Pulis-vlogger na nang-umbag ng esmi, sinibak

Del Alimeri

ISANG pulis ang tinanggal sa kanyang puwesto at dinisarmahan matapos itong mag-viral sa social media dahil sa pananakit sa kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Malolos City, Bulacan. Kinumpirma ni PLt. Col. Rommel Geneblazo, hepe ng Malolos City Police Station, na hindi nila kukunsintihin ang ganitong uri ng pag-uugali sa kanilang hanay. Kinilala ng naturang opisyal ang pulis …

Read More »