Wednesday , June 24 2026
Maricel Soriano Fyang Smith JM Ibarra

Fyang iniirapan si JM kapag may tampo

MA at PA
ni Rommel Placente

TINANONG ni Maricel Soriano ang magka-loveteam na sina Fyang Smith at JM Ibarra, nang mag-guest ito sa kanyang Youtube channel, kung ano ang pinag-aawayan ng mga ito?

Sabi ni JM kay Fyang na natatawa, “Ikaw ang sumagot.  Ikaw ang laging may rason, eh.”

Sagot naman ni Fyang, “Siguro po, ‘yung mga maliliit lang po na mga bagay. Selosa po kasi ako.

“Siguro po, ‘yun ‘yung isa sa mga nagiging rason namin kung ba’t kami..hindi naman po away na malala, tampuhan lang po. Kulang sa lambing ba!”

Pero ipinaliwanag ni Fyang na hindi babae ang pinagseselosan niya.

Kapag po kunwari, mas tumatawa siya sa jokes ng iba, kesa sa jokes ko.”

Pero kapag  may tampo si Fyang ka JM ay hindi na lang siya nagsasalita.

Katwiran niya, “Kapag kunwari po kasi mainit ako, ayoko pong magsasalita.

“Kasi baka kung ano ‘yung lumabas sa bibig ko.

“So, nagpapalamig po muna ako. And then ‘pag feeling ko okey na ako, at saka po ako lalapit sa kanya.”

Pero iniirapan daw ni Fyang si JM kapag may tampo siya rito.

Sanay na raw naman si JM sa ganoong attitude ng ka-loveteam. At madali lang naman nawawala ang tampo nito sa kanya.

Kapag na-feel ko na, okey, eto na naman siya (may tampo). Focus lang ako sa ginagawa. ko. Maya-maya, okey na siya,” sabi pa ni JM.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …