MAHIGIT P2 milyong halaga ng pinaghhinalaang shabu ang nakumpiska habang dalawang suspek ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Cutcot, Pulilan Bulacan kamakalawa ng alas-3:00 ng hapon.
Ang anti-illegal drug operation ay ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit ng Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng Pulilan MPS at pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 300 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may standard drug price na PhP2, 040, 000.00.
Narekober din sa dalawang suspek ang isang genuine one-thousand peso bill na ginamit bilang buy bust money kasama ang 12 piraso ng boodle money, isang kahon ng royce potato chip chocolate at isang Toyota Vios.
Kaugnay nito ay pinapurihan ni PRO3 Regional Director PBGeneral Jess B. Mendez ang operating unit sa kanilang matagumpay na operasyon at pinagtibay ang maigting na kampanya ng kapulisan sa Central Luzon laban sa ilegal na droga. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com