Jennylyn niregaluhan ng 18K diamond bracelet ni Rei Tan
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
GULAT NA GULAT at hindi agad nakapagsalita ang Reverie endorser na si Jennylyn Mercado nang bigla siyang bigyan ng 18-carat diamond bracelet ng CEO and President ng Beautederm na siRei Anicoche Tan.
Nabigyan na raw kasi si Jen ni Ms Rei ng regalo kaya hindi niya inaasahan na mayroon pang kasunod ang naunang birthday gift ng matagumpay na negosyante.
Nangyari ang pagbibigay ng bracelet sa contract renewal ni Jennylyn bilang brand ambassador ng Beautรฉderm na ginanap sa Solaire Resort North kamakailan.
Bale advanced birthday gift ang bonggang bracelet kay Jen na magdiriwang ng ika-39 birthday sa May 15.
โHala, ate! Nagbigay ka na noong nakaraan, okay na โyon. Thank you, ate!โ ani Jen na nabigla sa ginawang iyon ni Miss Rei.
Bag pala dapat ang ireregalo ni Rei kay Jen, subalit naalala nitong nabigyan na niya ng bag dati ang aktres. Kaya naman walang kaabog-abog na hinubad ang suot-suot na diamond bracelet at iniabot kay Jen.
Ang naturang bracelet ay tanda na rin ng kanilang โforever friendship.โ
โSabi ko sa kanya, โhindi lab-grown โyan, ha.โ Charing! Totoong natural โyan. Usually po, mas maganda โyung galing sa akin, eh, kasi swerte,โ paliwanag ni Miss Rei.
Sinabi pa ni Rei na deserved ni Jennylyn ang kanyang regalong bracelet dahil bukod sa napakabait ay napakasipag din nito bilang endorser.
โSaka kapag tumatagal, mas lalo mong nakikilala โyung tao po, kaya โyun,โ sabi pa.
Taong 2018 pa magkakilala sina Jen at Ms Rei pero noong 2024 lang naging Beautรฉderm ambassador ng Cristaux product line.
At ngayong 2026 ay muling pumirma ng kontrata si Jen para sa rebranded home scents na Reverie na may anim na variants: Cafรฉ Aroma, First Embrace, Pure Serenity, First Nostalgia, Lily Lush, at Cloud Whisperer.
