Wednesday , January 19 2022

Blog List Layout

2 timbog sa illegal logging sa Ipo Dam gate sa Bulacan

2 timbog sa illegal logging sa Ipo Dam gate sa Bulacan Micka Bautista

NASAKOTE ang dalawa kataong hinihinalang sangkot sa illegal logging sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 19 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, ang mga suspek na sina Jennifer Sarandona at Renato Patulot, kapwa residente sa Ipo Rd., Brgy. San Mateo, sa naturang bayan. Batay …

Read More »

4 kelot swak sa cara y cruz sa Malabon

Cara y Cruz

ARESTADO ang apat na lalaki, kabilang ang isang working student, sa isinagawang magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City. Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) mula sa isang barangay information network hinggil sa nagaganap na ilegal gambling activity sa Sitio 6, Brgy. …

Read More »

Bday party niratrat teenager todas

PATAY ang 16-anyos binatilyo na dumalo sa kaarawan ng anak-anakan ng kaibigan makaraang pasukin ng gunman at paulanan ng bala ng baril ang kanilang masayang inuman sa loob ng tahanan sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.  Ang biktimang namatay ay kinilalang si Mico Gracia Balosa, 16, estudyante, residente sa Brgy. Batasan Hills, QC, habang sugatan …

Read More »

PRC ‘paasa’ sa muling kanselasyon ng LET

PRC LET

BINATIKOS  ni Senator Joel Villanueva ang Professional Regulation Commission (PRC) sa muli nitong pagkansela sa nalalapit na Licensure Exam for Teachers (LET), pitong araw bago ang schedule nito sa 26 Setyembre. Tila “stuck in the past” ang komisyon dahil hindi pa rin nasunod ang mandato ng PRC Modernization Act of 2000 na nagtakda sa komisyon na gawing “fully computerized” ang …

Read More »

Yaman nina Yang, Lao, at Pharmally directors dapat i-freeze — De Lima

AMLC, Pharmally

HINILING ni Senadora Leila de Lima sa  Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang agarang pag-freeze sa mga yaman at ari-arian ng Pharmally Pharmaceutical Corporation executives kasunod ng pagtawag sa kanila na “soulless monsters” batay sa takbo ng imbestigasyon ng senado ukol sa pagbili ng luxury cars matapos makuha ang multibillion-peso worth of government contracts. Ayon kay De Lima, Chairwoman ng Senate …

Read More »

Pagbuwag sa PS-DBM iginiit ng Solon

PS-DBM, Procurement Service - Department of Budget and Management

IPINABUBUWAG ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang kontrobersiyal na Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM). Ayon kay Rodriguez nababalot sa katiwalian ang ahensiya na binuo noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kasama sa Bill No. 10222 ang mandato para sa national government agencies, at state-owned or controlled corporations, kolehiyo at …

Read More »

Limited f2f classes, aprub sa Palasyo (Kinder hanggang Grade 3 pupils eksperimento)

face to face classes School

PINAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdaraos ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng CoVid-19. Inihayag ito kahapon nina Presidential Spokesman Harry Roque at Education Secretary Leonor Briones. Ayon kay Roque, ang mga naturang erya ay tutukuyin ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) at ang in-person classes ay idaraos araw-araw kundi …

Read More »

Anak ng bilyonaryo tiklo sa cocaine kasamang pintor natagpuang patay (Sa La Union)

Julian Ongpin, Bree Jonson

DINAKIP ang anak ng isang prominenteng negosyante matapos makakita ang mga awtoridad ng cocaine sa tinutuluyang silid, na kinaroroonan din ng nobyang walang malay, sa isang hotel sa San Juan, La Union nitong Sabado, 18 Setyembre. Kinilala ni P/Maj. Gerardo Macaraeg, hepe ng San Juan MPS, ang suspek na si Julian Ongpin, 29 anyos, anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin, …

Read More »

Online probe vs Duterte sa EJKs puwede — ex-ICC judge

092121 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario WALANG makapipigil sa International Criminal Court (ICC) na ilarga ang imbestigasyon sa crimes against humanity of murder kaugnay sa mga naganap na patayan sa drug war kahit harangin ng administrasyong Duterte. Sinabi ni dating ICC Judge Raul Pangalangan na may hurisdiksyon ang ICC sa mga krimen na naganap habang ang Filipinas ay kasapi pa ng Rome Statute. …

Read More »

Problema sa Tocilizumab aksiyonan — Bongbong

tocilizumab

NANANAWAGAN si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pamahalaan na hulihin at magkaroon ng kampanya laban sa mga nagsasamantala at nagbebenta ng mahal na CoVid-19 drug na Tocilizumab. “Dapat lang na hulihin ang mga taong nagagawa pang magsamantala sa kapwa sa panahong ito na may pandemya. Mga taong walang konsensiya at baluktot ang pag-iisip lang ang nakagagawa ng ganito,” …

Read More »

Cessna 125 plane bumagsak sa Bulacan (Imbestigasyon ipinag-utos ng PRO3-PNP)

CESSNA 125 PLANE BUMAGSAK SA BULACAN Micka Bautista

INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng isang Cessna 152 plane sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes ng umaga, 17 Setyembre. Ayon kay P/BGen. Valeriano De Leon, regional director ng PRO3-PNP, lumipad sa direksiyon ng timog ang two-seater plane mula sa Plaridel Airstrip runway lulan ang pilotong si Paul Jemuel Gayanes at pasaherong …

Read More »

1 patay, 7 sugatan sa LGBTQ group sa Maguindanao (Mga miron sa volleyball game pinasabugan)

Datu Piang, Maguindanao Explosion

ISA kataoang namatay, habang sugatan ang pitong iba pang miyembro ng LGBTQ community sa pagsabog sa bayan ng Datu Piang, lalawigan ng Maguindanao, nitong Sabado ng hapon, 18 Setyembre. Kinompirma ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na namatay, kamakalawa ng gabi, ang isang biktimang nasa kritikal na kondisyon dahil sa pinaniniwalaang pagpapasabog ng improvised explosive device (IED). Ayon kay Lt. …

Read More »

2 spa na may extra service sinalakay 11 babae naligtas sa Antipolo

Spa Massage

Arestado ang dalawang manager habang 11 babae ang nasagip mula sa dalawang spa na nag-aalok ng “extra service” nang salakayin ng mga awtoridad sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Biyernes, 17 Setyembre. Ayon sa ulat ng Antipolo city police, sinalakay ang Nitzi Touch Massage at Miyoto Spa na parehong matatagpuan sa Sumulong Highway, Brgy. Mayamot, sa nabanggit na …

Read More »

Kawatan sa Nueva Ecija todas sa enkuwentro

Dead Thief

NAPASLANG ang isang lalaking hinihinalang magnanakaw sa isang hot pursuit operation na isinagawa ng pulisya na nauwi sa enkuwentro sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Biyernes ng gabi, 17 Setyembre. Batay sa ulat ni P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagkasa ang mga operatiba ng San Jose City Police Station ng pagpapatrolya …

Read More »

PacMan sasabak na pangulo 2022 (Sa nominasyon ng PDP Laban)

Manny Pacquiao President

TINANGGAP ni Senador Manny “Pacman” Pacquiao ang nominasyon ng Partido Demokratikong Pilipino Laban (PDP-Laban) sa ilalim ng kanilang paksyon na tumakbo bilang Pangulo sa 2022 Presidential election. Sa kasalukuyan, mayroong dalawang paksyon ang partido at isa rito ang Cusi wing na nag-endoso ng kandidatura ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go bilang presidente, at si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente. Hinihintay …

Read More »

Kickback sa Sinovac imbestigahan

Antonio Trillanes, COVID-19 Vaccine

NANAWAGAN si dating Sen. Antonio Trillanes IV sa Senado na imbestigahan din ang mga kontratang pina­sok ng administrasyong Duterte sa pagbili ng bakuna. Kombinsido si Trillanes na hindi la­mang sa pagbili ng medical supplies kumi­ta nang malaki ang ilang opisyal ng pama­halaan kundi nagkaroon din ng kickback sa bakuna. Kapag inilarga aniya ang imbesti­ga­syon sa pagbili ng bakuna ay makikita na …

Read More »

Global arrest warrant, nakaamba kay Duterte

International Criminal Court, ICC, arrest warrant

NAKAAMBA ang global arrest warrant kay Pangulong Rodrigo Duterte kapag iniutos ng International Criminal Court (ICC) na dakpin siya sa kasong crimes against humanity of murder kaugnay sa mga patayan sa isinulong niyang drug war. Paliwanag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, isa sa naghain ng reklamo sa ICC, pandaigdigan ang bisa ng warrant of arrest ng ICC kaya ang sinomang …

Read More »

Call center agent, natagpuang patay

Headphone, call center agent

PATAY nang matagapuan ng kanyang ina ang isang call center agent matapos makipag-inuman sa mga kaibigan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nadiskubre ang walang buhay na katawan ni Armando Escaño, 30 anyos, ng kanyang ina na si Mila, 56 anyos, nakadapa sa kanyang kama sa loob ng kanilang bahay sa VMN …

Read More »

Driver, mekaniko at helper, huli sa droga sa Kankaloo

Arrest Caloocan

NASAKOTE ang isang driver, mekaniko, at isang helper sa magkakahi­walay na lugar sa Caloo­can City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan police Chief Col. Samuel Mina, Jr., dakong 9:10 pm, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Sub-Station 9 tungkol sa nagaganap na transak­siyon umano ng ilegal na droga sa Main Road, Antonio …

Read More »

28 arestado sa Bulacan (Sa patuloy na anti-crime drive)

Prison Bulacan

HALOS mapuno ang mga kulungan sa Bulacan nang sunod-sunod na maaresto ang 28 kataong pawang lumabag sa batas sa anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan hanggang nitong Linggo ng umaga, 19 Setyembre. Batay sa ulat na ipina­dala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang walong suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng mga operatiba ng Station …

Read More »

Mga Bulakenyo, may 11 araw pa para magparehistro

Comelec Bulacan

MAY nalalabi pang 11 araw upang magparehistro ang mga Bulakenyo bago ang huling araw ng pagpaparehistro sa 30 Setyembre. Nanawagan si Gob. Daniel Fernando sa lahat ng mga Bulakenyong hindi pa rehistrado na kunin ang pagkakataong gamitin ang kanilang karapatang pumili ng mga susunod na mamumuno sa lalawigan ng Bulacan at sa bansa. “Sa mga hindi pa nakapagpaparehistro, magparehistro na …

Read More »

Cayetano hinikayat tumakbong presidente (Daan-daang pastor, simbahan)

Alan Peter Cayetano

DAANG-DAANG pastor at mga simbahan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagkaisa sa pana­wagan kay dating Speaker Alan Peter Cayetano na tumakbo bilang pangulo sa paparating na halalan. Sa isang bukas na liham kay Cayetano noong 16 Setyembre, sinabi ng 588 pastor, kasama ang 1,564 miyembro ng kanilang mga simbahan, kay Cayetano nila nakikita ang isang lider na kayang …

Read More »

Limitless ni Julie Anne aarangkada na

Julie Anne San Jose

I-FLEXni Jun Nardo AARANGKADA na ngayong araw, Setyembre 17, ang unang leg na Breathe ng Musical Trilogy na Limitless ni Julie Anne San Jose. Makakasama ni Julie Anne sa unang leg sina Christian Bautista at The Clash finalist na si Jong Madaliday. Si Paolo Valenciano ang director nito habang si Myke Solomon ang musical director. Boyfriend na lang ang kulang ngayon kay Julie Anne!

Read More »