Thursday , June 4 2026
Swiss Knife Blood

Sa Baseco, Maynila
Binatilyo todas sa saksak ng isa pang menor de edad

BINAWIAN ng buhay ang isang 15-anyos binatilyo nang saksakin ng isang kapwa menor de edad sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Baseco Compound, Port Area, sa lungsod ng Maynila, nitong Lunes ng gabi, 9 Pebrero.

Idineklarang wala nang buhay dakong 7:20 ng gabi kamakalawa sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktimang kinilalang si JCSR, estudyante, residente sa Bgry. 649, Baseco Compound.

Kinilala rin ng pulisya ang suspek na si KAM, 16 anyos, estudyante, residente sa parehong barangay, at nakatala bilang child in conflict with the law (CICL).

Sa paunang imbestigasyon ng Baseco Police Station (PS-13), naganap ang insidente dakong 7:00 ng gabi sa Block-5 Extension, sa nabanggit na barangay, nang magkasuntukan ang suspek at biktima.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, bigla na lamang dumukot ng Swiss knife ang suspek saka dalawang beses sinaksak ang biktima sa kaliwang bahagi ng kaniyang katawan.

Isinumbong ng 62-anyos lola ng biktima ang insidente sa pulisya kaya agad tumungo sa pagamutan ang mga tauhan ng Women and Children’s Concern Section (WCCS), habang ikinasa ang follow up operation upang matunton ang suspek.

Ayon sa mga awtoridad, hindi pa kompirmado ang dahilan ng pagtatalo ng dalawang menor de edad.

Dakong 8:00 ng gabi, nadakip ng mga pulis sa pangunguna ni P/Cpt. Leonardo Blanco, Jr., ang suspek na napag-alamang nasa kaniyang pag-iingat ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Patuloy ang imbestigasyon ng MPD Homicide Section upang matukoy ang motibo ng suspek sa krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …