Wednesday , June 24 2026
TAX Cancelled

Cayetano natuwa pagbasura sa travel tax priority bill ngayong 20th Congress

IKINATUWA ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na isinama ng Marcos administration ang kanyang panukalang pagbasura sa travel tax bilang key legislation ngayong 20th Congress.

Sinabi ito ng senador matapos ianunsiyo ng Malacañang nitong 9 Pebrero 2026 na kabilang ang panukala sa mga prioridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“This is good news for thousands of travelers as it will make travel more accessible for Filipinos,” wika ng Minority Leader.

Noong 10 Hulyo 2025, inihain ni Cayetano ang panukalang pagbasura sa travel tax para pagaanin ang gastos sa pagbiyahe ng mga Filipino, palakasin ang turismo, at patatagin ang ugnayan ng Filipinas sa mga bansa sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations).

“All Filipinos, especially senior citizens and persons with disabilities, must be able to travel freely, without any form of hindrance. This is a right guaranteed by the Constitution,” pahayag ni Cayetano sa explanatory note ng Senate Bill No. 424.

Unang ipinataw ang travel tax sa bisa ng Presidential Decree No. 1183, na nilagdaan halos 50 taon na ang nakararaan. Giit ni Cayetano, masyado na itong luma at hindi na akma sa kasalukuyang realidad ng ekonomiya at rehiyon.

Sa ilalim ng panukala, hindi na rin sisingilin ng travel tax ang mga kapitbahay nating kasapi sa ASEAN bilang suporta sa mas matibay na pagtutulungan ng mga naturang bansa.

Ayon kay Cayetano, ito ay bilang pagtupad sa nilagdaang ASEAN Tourism Agreement noong 2002 na layong unti-unting alisin ang mga travel tax sa pagitan ng mga kasaping bansa.

Binanggit ng senador ang pag-aaral ng isang lokal na airline na tinatayang maaaring mawalan ang gobyerno ng halos P4 bilyon kita mula sa travel tax. Gayonman, ang kapalit naman nito ay P299 bilyon na posibleng kitain ng buong ekonomiya ng bansa dahil sa pagdami ng turista at spending.

“By abolishing the travel tax, we inch closer towards realizing the freedom of movement that our fundamental law envisions for every citizen,” pahayag ni Cayetano.

Giit niya, nagawa na rin ito noon sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 29 (2023). Epektibo hanggang 30 Hunyo 2028, ginawa nitong libre ang travel tax ng mga biyaherong mula sa international airports  ng Mindanao at Palawan patungong Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA).

Dagdag ng senador, layunin ng panukala na bawasan ang travel expenses ng karaniwang Filipino.

“It is high time to give travelers a break and allow for tourism to flourish by removing one of the barriers to travel,” pahayag ni Cayetano. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …