Thursday , June 4 2026
Intramuros gwardya sibil

Sa Intramuros, Maynila
17-anyos estudyante binugbog ng 2 ‘guardia civil’ sa Intramuros

DALAWANG guwardiya ng Intramuros Administration ang inaresto ng mga Tourist Police ng Manila Police District (MPD) matapos pagbuhatan ng kamay ang isang estudyante na nagbibisikleta sa Intramuros, Maynila, nitong Linggo ng gabi, 8 Pebrero.

Sa imbestigasyon ng MPD Tourist Police, dinakip ang mga suspek ay kinilalang sina Gilbert Mendez, 38 anyos, at Nilo Anub, 28 anyos, kapwa mula sa JSL Security Agency, matapos ireklamo ng pananakit ng isang 17-anyos estudyante mula sa Tondo, Maynila.

Naganap ang insidente dakong 9:05 ng gabi sa bisinidad ng Riverside Plaza Mexico Esplanade, sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nagbibisikleta ang biktma nang pahintuin ng mga suspek at sawayin dahil bawal umano ang magbisikleta roon.

Nang hindi agad sumunod, hinabol ng mga guwardiya ang biktima at pinagtulungang saktan.

Nang makauwi ang biktima, nagtungo sila sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng reklamo laban sa dalawang security guard na naka-uniporme gaya ng mga ‘guardia civil’ noong panahon ng mga Español.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng MPD ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng kasong pananakit at paglabag sa RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa piskalya.

Samantala, tatanggalan ng Intramuros Administration ng kontrata ang security agency ng mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …