Thursday , June 4 2026
Fire

Sa Paco, Maynila
Sunog sumiklab, 2 residente, bombero sugatan

SUGATAN ang tatlo katao kabilang ang isang bombero habang 10 pamilya ang nawalan ng matutuluyan sa sunog na tumupok sa isang commercial-residential area sa Paco, lungsod ng Maynila, nitong Lunes ng madaling araw, 9 Pebrero.

Agad dinala sa pagamutan ang bombero at dalawang residente ng nabanggit na lugar na nasugatan sa insidente.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, dakong 1:21 ng madaling araw kahapon nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang two-storey apartment sa kanto ng United Nations Ave. at Tanque St., hanggang madamay ang ilang establisimiyentong katabi ng gusali.

Itinaas sa unang alarma ang sunog bago idineklarang under control dakong 2:18 ng madaling araw hanggang tuluyang maapula bandang 2:48 am.

Ayon sa mga awtoridad, umabot sa 10 pamilya ang apektado sa sunog.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …