Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP PRO BAR Bangsamoro

Sa PRO-BAR Basilan  
128 bagong parak inabuso ng 70 tauhan ng RMFB 14-B

SINIBAK sa puwesto matapos arestohin ang 70 miyembro ng Philippine National Police-Regional Mobile Battalion 14-B sa ilalim ng Police Regional Office-Bangasamoro Autonomous Region (PRO-BAR) dahil sa matinding pananakit sa 128 baguhang pulis sa kanilang mismong reception rites na nauwi sa “hazing” sa Lamitan City, Basilan na nag-viral sa social media.

Sa ginanap na press conference sa Camp Crame kahapon ng umaga, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, bukod sa 70 tauhan ng RMFB 14-B, sinibak din sa puwesto ang 12 police non-commissioned officers na direktang sangkot sa isinagawang hazing rites sa mga bagong talagang pulis sa headquarters ng RMFB 14-B.

Ang mga biktima, ayon kay Tuaño, ay pawang mga pulis na katatapos sumailalim sa Basic Internal Security Training.

Pinalitan ang mga sinibak na pulis habang nakalagak sila sa Regional Personnel Records Management Division-Regional Police Holding and Accounting Section sa Parang, Maguindanao.

Ani Tuaño, nasa 18 baguhang pulis na minaltrato ng kanilang mga kabaro ang naghain ng reklamo kaugnay ng insidente habang inaasahang susunod ang nasa 110 iba pa.

Nitong Linggo, tinungo ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng PRO-BAR ang Lamitan City upang pangunahan ang imbestigasyon sa naturang insidente na mabilis na kumalat sa Facebook at kinondena ng mga local executives sa Basilan.

Nahaharap sa administrative at criminal cases ang mga pulis sa kanilang napakalupit na reception rites sa mga bagong itinalaga sa probinsiya na 114 kasapi ng Regional Mobile Force Battalion 14, nito lang nakalipas na linggo.

Nabatid na pinaluhod, binugbog, pinagpapalo ang mga bagong pulis sa harapan ng maraming kabaro sa isang police camp sa Basilan na parang mga bagong recruits sa isang college fraternity.

Mayroong mga isinugod sa ospital nang mawalan ng malay dahil sa tindi ng pambubugbog sa kanila ng mga kapwa pulis na mas senior sa police service.

Naka-padlocked na ang mga pulis na nanakit ng mga bagong miyembro ng RMFB 14, ayon kay De Guzman.

Ang RMFB 14 ay isang rapid deployment unit na direktang nasa ilalim ng control ni De Guzman, miyembro rin ng multi-sector Regional Peace and Development Council-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Marami sa mga naitalaga sa Basilan na tropa ng RMFB 14 ay mula sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na naging mga pulis, matapos ang requisite training, batay sa peace agreement ng naturang dating Moro rebel group at ng Malacañang.

Samantala, ipinag-utos ni Napolcom Commissioner Rafael Calinisan kay Napolcom-BARMM Regional Director Fahd Candao na magsagawa ng moto proprio investigation sa naganap na hazing at maltreatment sa mga police recruits sa Lamitan City.

“The Napolcom will not tolerate any and all forms of hazing in the PNP organization. Rest assured that we will expedite the investigation and the resolution of this case. Tamaan ang dapat tamaan,” ani Calinisan. (HATAW News Team)             

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …