Thursday , June 4 2026
Hand Baby Dead

Buntis sa barangay bibilangin
Bangkay ng bagong silang na sanggol lumutang sa sapa

LUMUTANG sa isang sapa ang bangkay ng isang bagong silang na sanggol sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong LInggo, 8 Pebrero.

Sa ulat na ipinadala kay P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., regional director ng PRO3, napag-alaman na isang concerned citizen ang nag-ulat sa Malolos CPS sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono na isang patay na sanggol ang natagpuang lumulutang sa sapa ng Brgy. Caingin, sa naturang lungsod.

Ayon kay P/Lt. Col. Rommel Geneblazo, hepe ng Malolos CPS, natagpuan ng mga nagrespondeng operatiba sa binanggit na lugar ang isang patay na babaeng sanggol na lumulutang sa sapa na nakakabit pa ang inunan at umbilical cord.

Kasunod nito, hiniling sa Bulacan forensic unit na iproseso ang pinangyarihan ng krimen habang ang pulisya ay nakipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office ng lungsod at sa barangay health worker para magsagawa ng record checking sa lahat ng buntis sa loob ng barangay para sa posibleng pagkakakilanlan ng ina o pamilya ng namatay na sanggol. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …