Thursday , June 4 2026
Sand Beach

Batang nawala natagpuang nakalibing sa buhangin

WALA nang buhay ang isang 11-anyos batang lalaki nang matagpuan nitong Lunes, 9 Pebrero, na paupong nakalibing sa buhanginan sa dalampasigan ng Brgy. Tiling, bayan ng Cauayan, lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon kay P/Lt. Col. Norberto Barniso, hepe ng Cauayan MPS, natagpuan ang biktima ng isang residenteng napadaan sa lugar kahapon ng umaga.

Ani Barniso, hindi opisyal na naiulat na nawawala ang biktima dahil wala pang 24 oras mula nang humingi ng tulong ang kaniyang pamilya sa publiko sa pamamagitan ng social media kaugnay ng kaniyang pagkawala.

Nabatid na malimit magtungo sa dagat ang biktima upang maglaro kasama ng kaniyang mga kaibigan.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may foul play sa pagkamatay ng biktimang Grade 4 pupil.

Nakatakdang isailalim sa awtopsiya ang katawan ng biktima upang matukoy ang dahilan ng kaniyang kamatayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …