Thursday , June 4 2026

Kasambahay pinatay ng bayaw ng amo (Nagalit nang ‘di papasukin)

AGAD binawian ng buhay ang isang kasambahay makaraang saksakin ng bayaw ng kanyang amo nang hindi niya papasukin sa pinagsisilbihang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Janet Magana, 23, stay-in housemaid sa Block 4, Lot 25, Kalap Subdivision, Brgy. 177, Camarin ng nasabing lungsod.

Arestado at nakapiit na ang suspek na si Emmanuel Boado, 36, naninirahan sa Block 7, Lot 2, Northville 4-A Subdivision, Marilao, Bulacan.

Base sa impormasyon mula kay Caloocan Police chief, Sr. Supt. Bartolome Bustamante, naganap ang insidente dakong 3 p.m. sa bahay ng amo ng biktima na si Federico Castillo.

Ayon sa ulat, nagtungo ang suspek sa bahay ng kanyang bayaw upang bisitahin ang kanyang kapatid na babae ngunit hindi pinapasok ng biktima dahil na rin sa utos ng kanyang among lalaki.

Minasama ito ni Boado kaya’t nagkaroon sila nang mainitang pagtatalo.

Pagkaraan ay bumunot ng  patalim  ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.       

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …