Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Camarin Elem School hiniling i-disinfect (Kaso ng meninggo itinanggi ng assistant principal)

Camarin Elementary SchoolISANG 12-anyos Grade VI pupil ang kasalukuyang nakaratay sa isang ospital sa Maynila dahil sa Meningococcemia.

Kinompirma, ito ng mga magulang at kapitbahay ng biktima na kinilalang si Anjanette Llarinas matapos magkagulo sa Camarin Elementary School dahil tumanggi ang assistant principal sa kahilingan nila na pansamantalagang ipa-quarantine ang paaralan upang ipa-disinfect nang sa gayon ay hindi mahawa ang ibang estudyante.

Sa Clinical Abstract na inilabas ng San Lazaro Hospital pirmado ng isang Dr. Magie Lucas-Delos Reyes, kinompirma nitong may Meningococcemia ang pasyente.

Bago ito, nitong nakaraang Setyembre 25, dinala sa FEU NRMF Medical Center sa Fairview, Quezon City ang elementary student dahil sa lagnat, pananakit ng mga kasu-kasuan at pagsusugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dalawang araw na-confine si Llarinas sa FEU pero dahil malaking halaga ang hinihingi ng pribadong ospital at umabot na sa P22,000 ang kanilang bill sa loob lamang ng dalawang araw, ipinalipat ng pamilya sa San Lazaro Hospital ang pasyente.

Sa San Lazaro, agad isinailalim sa iba’t ibang pagsusuri ang pasyente at doon nakompirma na biktima  siya ng meningococcemia.

Nang makompirma ito, hiniling ng mga magulang na nag-aaral ang mga anak sa Camarin Elementary School sa Barangay  175, Distrcit I, Caloocan City, sa principal na si  Ms. Adoracion Santos na pansamantalang i-quarantine ang paaralan at isailalim sa disimpeksiyon para sa kaligtasan ng mga bata.

Ngunit, mariing itinanggi umano ng assistant principal na kinilalang si Joel Baggay, na may meningococcemia si Llarinas.

Dahil dito, labis na nag-aalala ang mga magulang sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

Kahapon, pinayuhan ng Department of Health (DoH) ang mga magulang na makipag-ugnayan sa kanilang local government officials upang iutos na ipa-disinfect ang paaralan.

Gayon man, nangangamba pa rin ang mga magulang dahil hindi naglalabas ng pahayag at direktiba ang opisyal ng paaralan na sina Santos at Baggay kaugnay ng meningococcemia incident.

Exclusive Report ni Vhioly Rosatazo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Arrest Shabu

Sa Caloocan City
Bebot na ‘tulak’ swak sa buybust ng parak

NALAMBAT ng Caloocan City Police ang isang babae na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal …

Casino Plus Angpao Rain Gala

Casino Plus, the Best Online Casino in the Philippines, Staged the First-of-its-Kind Angpao Rain Gala, Awarding a Record-Setting P180 Million to Recognize 600 Top Filipino Video Content Creators

IN a groundbreaking first, Casino Plus, the best online casino in the Philippines, awarded a …

Senate Senado

Wala nang plastikan
Cayetano aminado target liderato ng upper chamber

HINDI na makikipagplastikan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa usapin ng senate leadership …

Mon Confiado Cassy Lavarias Ynez Veneracion

Mon, Ynez nagkaiyakan; Ai Ai ayaw muna mainlab

HARD TALKni Pilar Mateo NASA restaurant business ang dating That’s Entertainment actress na si Ana Abiera. Binuksan niya …

P3.9-M marijuana binunot sa Benguet

P3.9-M marijuana binunot sa Benguet

TINATAYANG P3.9 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang binunot at sinira sa patuloy …