Thursday , June 4 2026

CAB-BBL dapat nang ibasura ng SC — Alunan

Muling nanawagan si dating Department of Interior and Local Government secretary Rafael Alunan III sa Supreme Court (SC) na tanggalin ang takot ng taga-Mindanao sa pagsiklab ng gulo sa pagbasura sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) na katulad lamang ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) na tinangkang palusutin noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Tinuligsa rin ni Alunan ang mga alipores ng Malakanyang sa pagpilit sa dalawang kapulungan ng Kongreso na kaagad ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) kahit maraming tutol dito sa buong Mindanao.

“Pinupuri ko ang mga pagsisikap nina Sen. Alan Peter Cayetano, Miriam Santiago at Bongbong Marcos to put things in proper light and perspective regarding the CAB-BBL,” ani Alunan. “The Senate should reject the version submitted by the administration outright.”

Idiniin ni Alunan na sa halip pagtibayin ang BBL, dapat palakasin na lamang ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) lalo ang kapasidad at kapabilidad nito para sa mabuting pamamahala at sustenahan ang pamumuhunan sa socio-economic-cultural reform.

Ani Alunan, dapat tandaan ng mga mamamayan ang mga politikong nagsusulong sa BBL kahit nangangahulugan ito na magkakawatak-watak ang ating bansa.

“The public should reject and denounce black propaganda that a rejection of the CAB-BBL is anti-Muslim and anti-peace. Rejecting CAB-BBL is anti-exclusion, anti-hidden agenda, anti-treason, anti-stupidity, and anti-dismemberment,” dagdag ni Alunan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …