RATED R
ni Rommel Gonzales
TULOY-TULOY ang pagkinang ng mga pelikulang produced ng GMA Pictures sa global stage. Kabilang ang multi-awarded films na Firefly at Green Bones sa pitong pelikulang Filipino na na-shortlist sa 7th ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA).
Ang Firefly at Green Bones ay idinirehe ng award-winning film at TV director na si Zig Dulay.
Humakot ng parangal ang Firefly mula sa local at international award-giving body, kabilang ang Best Picture sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2023. Katulad nito, maraming beses nang kinilala ang Green Bones mula nang ito ay itinanghal na Best Picture sa 2024 MMFF.
Kasama ang iba pang limang pelikulang Filipino, lalahok ang Firefly at Green Bones sa 7th AIFFA na gaganapin mula Nobyembre 12 hanggang 15 sa Kuching, Sarawak sa Malaysia.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com