RATED R
ni Rommel Gonzales
ISANG big hit ang Seducing Drake Palma series ng Viva One, kaya tinanong namin sina Angela Mujiat Rabin Angeles kung ano ang reaksiyon nila sa kanilang tagumpay?
Lahad ni Angela, “Ako from the start hindi na ako nag-expect para kung anuman ang mangyari matatanggap ko po ng buong-buo.
“Kaya po noong nakita ko na unti-unti pong nakikilala ‘yung ‘Seducing Drake Palma’ sobrang tuwa ko po and grateful po ako sa lahat ng mga sumuporta sa amin.”
Ayon naman kay Rabin, “Ako noong una po… hanggang ngayon hindi pa rin po ako makapaniwala talaga na tinanggap kami ng tao sa ‘Seducing Drake Palma.’
“Kasi before po kasi sa ‘Seducing Drake Palma’ ginawa po namin ‘yung ‘Mutya ng Section E’, ayun grabe po ‘yung pagtanggap ng tao sa amin.
“Kaya rito po sa ‘Seducing Drake Palma’ kinakabahan po ako kung ganoon pa rin po.
“Pero sobrang kinikilig po ako ngayon kasi talagang sinuportahan po talaga nila kami, iyon po,” ang nakangiting pahayag pa ni Rabin.
May bagong aabangan ang mga supporter ng RabGel tandem dahil tulad na nga ng naianunsiyo, silang dalawa ang bibida sa Philippine adaptation ng 2012 Korean film na A Werewolf Boy na kasalukuyang sinu-shoot na ngayon ni direk Crisanto Aquino, sa ilalim ng Viva Films.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com