Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FM Jr., walang klarong direktiba
PNP KABADONG MAGPATUPAD NG ‘WAR ON DRUGS’ 

080822 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan

INAMIN ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na nangangamba ang Philippine National Police (PNP) na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng kampanya sa ‘war on drugs’ at iba pang mga uri ng mabibigat na krimen tulad ng terorismo dahil sa kawalan ng maliwanag na deklarasyon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon kay Dela Rosa, kung siya ay isang pulis talagang mangangamba siyang magpatupad ng tama lalo na’t kung ang sangkot sa krimen ay anak ng politiko, big time, at kilala sa lipunan.

Ipinunto ni Dela Rosa, maaari kasing maging biktima ng harassment, ang isang tapat na pulis na ipatutupad ang kanyang tungkulin, ng mga kamag-anak ng mga nasasangkot sa krimen lalo sa usapin ng droga dahil sa paniniwalang nasira ang kanilang reputasyon at pangalan kahit legal pa ang naging operasyon.

Tinukoy ni dela Rosa, maraming ahensiya kasi ang maaaring pagsumbungan laban sa isang pulis kung kaya’t masyado silang nag-iingat dahil maaaring makaapekto rin sa promosyon ng isang pulis.

Ngunit kompiyansa si Dela Rosa, bagamat walang malinaw na direktibang ipinahayag ang Pangulo ukol sa war on drugs ay gagawin pa rin ng pulisya ang kanilang tungkulin.

Umaasa si Dela Rosa, hindi na muling magbabalik sa bansa ang mga taong sangkot sa ilegal na droga ganoon din ang ninja cops.

Aminado si Dela Rosa, mayroong plano ang Pangulong Marcos ukol sa isyu ng ilegal na droga  ngunit kailangan nating hintayin ang kanyang magiging pahayag at hakbangin ukol dito.

Tiwala si Dela Rosa sa kasalukuyang administrasyon at kanyang mga tauhan na kayang-kayang ipatupad ang batas laban sa kriminalidad at ilegal na droga. 

Si Dela Rosa ay isa sa naghain ng panukalang batas na ibalik ang death penalty laban sa bigtime drug lord ngunit hindi sakop ang mga pusher at mga small time illegal drug traders. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …