Thursday , June 11 2026
Senate OVP

Summon ng Senate Impeachment Court, kinompirmang tinanggap ng OVP

KINOMPIRMA ng Office of the Vice President (OVP) na tinanggap nila ang summon na ipinadala ng Senate impeachment court para kay Vice President Sara Zimmerman Duterte–Carpio kahapon.

Mismong tauhan ng Senate Sargent at Arms (OSSA) ang naghain ng summon sa tanggapan ng bise presidents na tinanggap ng isa sa kanyang mga staff.

Sa rekord ng OVP, tinanggap nila dakong 10:40 ng umaga, Miyerkoles, 20 Mayo, ang summons.

“The Office of the Vice President confirms receipt of the Summon issued by the Impeachment Court at approximately 10:40 a.m. today, 20 May 2026,” pahayag ng OVP.

Nitong Lunes, 18 Mayo, nagtipon ang Senado bilang impeachment court, isang araw matapos matanggap ang Articles of Impeachment.

Agad nagpadala ng summon ang impeachment court, binubuo ng 23 senator-judges, kay VP Sara upang atasan siyang dumalo sa kanyang impeachment trial sa petsang ‘di pa tutukuyin. Pinasasagot nito ang kampo ni VP Sara sa Articles of Impeachment.

Tinakdaan ng impeachment court si VP Sara at kanyang abogado ng non-extendible period na 10 calendar days upang sagutin ang articles of impeachment. Limang araw ang itinakda sa prosecution team upang sagutin ang reply.

Kapag nagawa ang mga itinakdang proseso at araw na ibinigay sa magkabilang panig ay maaari nang simulan ng impeachment court ang paglilitis sa kaso laban sa bise presidente.

Apat ang reklamong inihain ng House of Representatives laban kay Duterte. Kabilang dito ang sinabing hindi maipaliwang na yaman, maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd), pagbibigay ng pera sa mga opisyal ng DepEd kaugnay ng procurement, at hayagang pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Asia Pacific Padel Cup APPC Padel Pilipinas

Pilipinas nakatakdang mag-host ng Asia Pacific Padel Cup 2026

HANDA na ang lahat para sa Asia Pacific Padel Cup (APPC) 2026, habang naghahanda ang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted na manyakis, arestado

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa …

DPWH Bulacan

Sa maanomalyang flood control projects  
2 Bulacan DPWH Officials sumuko kalaboso na kasama ni Discaya

ni MICKA BAUTISTA DALAWA pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …

MMDA Gabriel Go

MMDA pinalalakas ang clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila

TINALAKAY ni MMDA Special Operations Group (SOG) Chief Gabriel Go ang patuloy na pagpapatupad ng …