Friday , June 5 2026
Villar Foundation urban gardening cooking competition

Para sa malusog at masustansiyang pagkain
Produkto mula sa urban gardening tampok sa cooking competition na idinaos ng Villar Foundation

IDINAOS ng Villar Foundation sa pangunguna ng managing director at dating senadora Cynthia Villar ang Cooking competition na pawang ang nilutong  masasarap at masusustansiyang putahe ay tampok ang mga sangkap mula sa urban gardening.

Kabilang sa mga ginamit na sangkap sa pagluluto ang sariwang isda, mga produkto mula sa urban gardens, at sariwang karne.

Tiniyak ng mga kalahok sa kompetisyon na ang kanilang mga inihanda ay pawang masusustansiya at masasarap na putahe na nagbigay-diin sa kahalagahan ng urban gardening sa pagsusulong ng food security, sustainability, at mas malusog na komunidad.

Ayon sa mag-inang Villar, ang kompetisyong ito ay bahagi ng  patuloy na adbokasiya ng organisasyon para sa urban agriculture at paghikayat sa mga pamilya na magtanim ng sarili nilang pagkain kahit sa limitadong espasyo sa lungsod.

Naniniwala ang mag-inang Villar na makatutulong din upang makatipid ang ating mga kababayan lalo sa panahon ng krisis at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Dahil sa kompetisyong ito ay umaasa ang mag-inang Villar na matututo ang ating mga kababayan na magtanim sa sariling bakuran upang sa huli ay kanilang mapakinabang ang mga sariling alaga para isahog sa mga putaheng ihahain nila sa bawat hapag kainan para sa kanilang pamilya.

Samantala, nagpahayag ng pagkabahala si Villar bilang isang ina matapos marinig at malaman niyang nagkakaroon ng putukan sa senado habang naroroon ang kaniyang anak na sina Senador Mark at Senadora Camille Villar. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas …

Cayetano Hataw Ilegal Yan

Ilegal ‘yan – Cayetano

HAYAGANG kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kaniyang mga …

060426 Hataw Frontpage

Cayetano group habang naka-boykot; Senate President Pro Tempore inihalal
GATCHALIAN ITINALAGANG ACTING SENATE PRESIDENT

HATAW News Team HABANG nakaboykot at anila’y nagse-session si Senate President Alan Peter Cayetano sa …

DOST 10 Bukidnon BUKIFCARB MPC

Exploring Engineering Solutions to Enhance Muscovado Production for Bukidnon Sugarcane Farmers

Sugarcane farmers of the Bukidnon Farmers CARP Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (BUKIFCARB MPC) in Don Carlos, …