Thursday , December 26 2024

Donors ‘wag patawan ng buwis (Sa supplies kontra CoVid-19)

HUWAG patawan ng donor’s tax ang supplies ng mga bakuna at iba pang mahahalagang bagay at kagamitan na gagamitin ng bansa sa pakikipagtuos sa pandemyang CoVid-19.

Ito ang ipinahayag ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara, kasabay ng pagsusulong sa kanyang panukalang Senate Bill 2046 na naglalayong i-exempt sa donor’s tax ang mga donasyong tulad ng gamot, bakuna, at medical supplies, partikular ang mga medisina laban sa CoVid-19.

Bukod sa mga nabanggit, nais din ni Angara na huwag  patawan ng donor’s tax ang mga capital equipment, spare parts, at mahahalagang materyal na ginagamit sa produksiyon ng personal protective equipment (PPE) components tulad ng coveralls, gowns, surgical masks, goggles at face shields.

Ani Angara, makatutulong ang hakbang na ito upang mas mapalakas ang laban ng bansa sa pandemya, lalo pa’t malawakan ang aksiyon ng gobyerno at ng mga pribadong sektor sa pagsiguro at pagbili ng mga bakuna.

Mahalaga aniya sa pagkakataong ito na huwag nang buwisan ang mga donasyong nabanggit, maging ang delivery at storage nito.

“Handang-handa ang gobyerno at ang mga pribadong sektor sa pagdating ng mga bakuna. At karamihan sa mga bakunang ito ay mula sa mga donor, kaya’t kung maaari, huwag na silang patawan ng donor’s tax,” ayon sa senador.

“Sa pamamagitan nitong panukalang pag-exempt sa donor’s tax ay masisiguro natin ang walang hadlang na pamamahagi ng mga donasyon ng bakuna at iba pang kagamitan para sa ating gobyerno maging sa pribadong sektor,” aniya.

Ayon kay Angara, sa ilalim ng kanyang panukala,  dapat din exempted sa donor’s tax ang mga donasyong kagamitan para sa waste management tulad ng waste segregation, storage, collection, sorting, treatment and disposal services.

Base sa panukala ng senador, ang donor’s tax exemption ay epektibo mula 1 Enero 2021 hanggang 31 Disyembre 2023, at natatanging para lamang sa government and private entities at hindi para sa commercial use.

Sasailalim sa rules of deductibility ang mga naturang donasyon, alinsunod sa isinasaad ng mga probisyon ng National Internal Revenue Code, at ng Bureau of Internal Revenue.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *