Thursday , June 4 2026

‘Destab plot’ kaduda-duda — Solon

BINATIKOS ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang Malacañang at ang hepe ng Philippine National Police kaugnay sa ‘di maka­totohanang pag­ta­ta­tangkang guluhin ang gobyernong Duterte.

Ani Villarin, ang rebe­la­syon ng Malacañang patungkol sa “desta­bilization plot matrix” at ang depensa ni PDG Oscar Albayalde sa istor­yang ito ay nakadududa.

“The matrix has no probative value and should have been dis­missed outright as outlandish and the work of malicious minds. The quick defense of the PNP also shows Albayalde’s unabashed loyalty to President Duterte and not to democracy. How can accusations and criti­cisms of government tantamount to desta­bilization?” ani Villarin.

“The entities and individuals named in the matrix are established and highly respected media organizations and human rights lawyers. By publicly naming them as so-called destabilizers, they become open targets for malicious attacks and possible violence,” babala ni Villarin.

Ang “destabilization plot story” ay lumabas pagkatapos kumalat ang video ng umano’y “real narco-list” na kinasa­sangkutan ng pamilya Duterte na isiniwalat ng isang nagngangalang Bikoy.

“If Malacañang gets peeved by such video, how much more will it react to other stories that are critical of the admi­nistration?” tanong ni Villarin.

Aniya, ang press freedom sa bansa ay nanganganib sa ilalim ng administrasyong Duterte.

ni Gerry Baldo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …