Sunday , December 22 2024

Narco-list ng politicians isasapubliko inangalan

ANG paglalabas ng listahan ng narco-politicians ay labag sa karapatang pantao at paraan ng panla­lamang ng gobyernong Duterte sa nga kalaban sa politika.

Ayon kay Akbayan Rep. Rep Tom Villarin, ang listahan ay isang “virtual death warrant” para hiyain ang politiko at kanyang pamilya sa publiko.

Ani Villarin, magiging target rin ito ng mga death squad habang ang mga kaalyado ni Pangulong Duterte ay buburahin sa listahan.

“It is not the President who should be the accu­ser, judge and executioner all at the same time. Without affording these politicians due process, it is highly unconstitutional and a grave abuse of authority. Malacañang should rethink such plan and defer to reason,” ani Villarin.

Aniya ang naunang listahan ng pangulo ay may mga pagkakamali sa kadahilanang “raw information” ito.

Ang sigurado, aniya, ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila para ang korte ang magdesisyon kung nagkasala ang isang politiko o hindi.

ni Gerry Baldo

 

Hamon sa ilalabas
na narco-politicians

MAGDEMANDA KAYO!
— PALASYO

HINAMON ng Palasyo ang mga politikong kasa­ma sa narco-list na naka­takdang ibunyag ng Depart­­ment of Interior and Local Government (DILG) na magsampa ng kasong libel kung mapa­patunayan na walang basehan ang akusasyon sa kanila.

“The fear that it may destroy the presumption of innocence, to my mind there is a judicial remedy for that: If you feel that you’ve been libeled, you can always go to the courts,” ayon kay Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kaha­pon.

Giit ni Panelo, hindi paninira lang ang pakay nang paglalabas ng narco-list kundi pagbibigay impormasyon sa publiko sa tunay na pagkatao ng mga kandidato.

Ngunit ang pagsa­sam­pa ng kaso laban sa narco- politicians ay ibang usapin dahil kailangan aniya ng documentary at testimonial evidence upang lumarga ang kaso sa korte.

Pero walang naisagot si Panelo kung may nasampahan ng kaso sa mga naunang isiniwalat na narco-list ni Pangulong Duterte.

“I will have to ask the PNP and the DOJ on that,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *