Thursday , June 4 2026

‘Drug war’ ni Digong bigo — solon (Sa pagpasok ng bulto-bultong cocaine)

ANG pagbagsak ng bulto-bultong cocaine at iba pang uri ng illegal na droga sa bansa ay isang malinaw na indikasyon na bigo ang Pangulong Duterte sa kanyang madugong “war on drugs.”

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ‘yung mga nahuling “cocaine bricks” sa karagatan ng bansa ay isang babala sa mas malaking shipment ng droga.

“The recent seizures of cocaine bricks along the vast expanse of our country’s coastlines may just be the tip of the iceberg of a booming international drug trade in the Philippines, contrary to the Duterte adminis­tration’s pronouncements of a successful drug war,” ani Villarin.

Aniya, nakaaalarma ang mga balita na patuloy ang pagdating ng droga sa gitna ng napakaraming namatay sa laban sa droga.

Karamihan ay mula sa hanay ng mahihirap.

“It is alarming and puts into the spotlight whether President Duterte’s drug war has been effective in curtailing drug trafficking. While thousands of drug users mostly the poor have been liquidated, no big-time narco trafficker or syndi­cates have been appre­hended or dismantled,” ani Villarin.

Ang daan-daang kilo ng cocaine at shabu na dumarating sa Customs ay patunay na nagpi­piyesta ang mga drug trafficker sa panahon ni Duterte.

Nauna nang inamin ng hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency na tama si Pangulong Duter­te nang sabihin niya na pumapasok na ang Colombian drug cartel sa bansa base sa mga naku­hang sampol ng droga sa Matnog, Sorsogon.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …