Thursday , June 4 2026
fire sunog bombero

2 paslit, pulis, 3 pa patay sa apoy, 1 sa stampede, 1 sa atake sa puso (Sa tatlong sunog sa Metro Manila)

WALO katao ang nama­tay sa magkakahiwalay na sunog na naganap sa Marikina, Valenzuela at Parañaque cities.

Sa sunog sa Marikina, patay ang isang pulis, asawa at dalawang paslit na anak makaraang ma­da­may ang kanilang ba­hay sa nasusunog na burger stall sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Nabatid sa ulat ni F/Supt. Randolf Vides, Marikina City Fire chief, ang mga biktima ay kini­lalang sina P03 Romar Sumait, 27 anyos, Rose Reyes Sumait, 27 anyos, Kaizer Lee Sumait, 6-anyos totoy, at Kenzie Faye Sumait, 3-anyos batang babae pawang nakatira sa Col. Divina St., Brgy., Sto. Niño ng nabanggit na lungsod.

Batay sa paunang ulat, dakong 2:47 am, nang unang sumiklab ang sunog sa Cherry’s Sig­nature Burger, at mabilis na kumalat ang apoy kaya nadamay ang bahay ng mga biktima sa Col. Divino St.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng rescue team at fire department sa lungsod at dakong 3:39 am nang ideklarang fire­out ang sunog.

Sinabi ng imbesti­gador na posibleng ma­him­bing na natutulog ang pamilya nang mangyari ang sunog kaya’t huli na at ‘di na nagawang ma­ka­ligtas ng mga biktima.

 Maliban sa mga nasawi wala nang naiulat na nasaktan o nasugatan sa nabanggit na insidente.

Nagsasagawa ng im­bestigasyon ang mga fire investigators sa tunay na pinagmulan ng sunog at tinataya ang kabuuang pinsala.

Samantala, tatlo ang patay sa isang sunog sa Barangay Moonwalk sa Parañaque City nitong Martes.

Ayon kay Insp. Mark Tuto, hepe ng inves­tigation section ng Para­ñaque Bureau of Fire Pro­tection, sumiklab ang su­nog sa St. Mary’s exten­sion sa Daang Batang St., dakong 2:45 ng hapon.

Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng 52-anyos na si Kristina Miranda sa hindi pa malamang dahilan.

Namatay si Miranda sa matinding pinsala sa ulo dahil sa stampede bagama’t nadala pa siya sa Ospital ng Parañaque.

Kumalat ang sunog sa 50 kabahayan, ikinama­tay ng dalawa pang bik­tima na sina Maria Jocelle Maglakas, 26, at Eden Marie Cubian, 29.

Nasa 120 residente ang nawalan ng bahay.

Tinatayang P500,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.

ni Edwin Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …