Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban john Lloyd Cruz Ellen Adarna
Angelica Panganiban John Lloyd Cruz Ellen Adarna

Parunggit ni Ellen kay Angelica: May iniiwanan, may ipinapalit…

MUKHANG napuno na si Ellen Adarna sa pagpaparunggit ni Angelica Panganiban na inagaw lang nito siJohn Lloyd Cruz sa kanya.

At ang parang naging last straw sa pagtitiis ng umano’y buntis na aktres ay ang Instagram post ni Angelica tungkol sa isang libro na ang Foreword ay siya ang nahilingang sumulat.

Tsika ni Angelica, ”Wala ka bang date ngayong Valentine’s Day? Ito na lang kaya pag-tripan natin? Bumili tayo ng libro. Tapos maglaro tayo. ng feelings. ‘Yung parang ginawa lang din ng mga EX natin.”

Of course, alam na nating lahat na ang hot na hot na “ex” n’ya ay si John Lloyd, na sa pakiramdam ni Angelica ay hinayaan ang sarili n’ya na maagaw siya ni Ellen.

Hindi naman kasing linaw ng mga parunggit ni Angelica ang ganting paramdam naman ni Ellen sa Instagram post n’ya.

Sa kanyang Instagram stories, nag-upload si Ellen ng maikling bahagi ng pelikulang Meet Joe Black na pinagbibidahan nina Brad Pitt at Anthony Hopkins.

Partikular na ipinost ng babaeng umano’y buntis ang eksena sa pelikula na tinanong ng karakter ni Anthony si Brad: ”It’s hard to let go, isn’t it?” (Mahirap kalimutan na ang lahat, ‘di ba?)

Sagot ng karakter ni Brad: ”Yes, it is, Bill.”

At magko-comment naman ang character ni Anthony na: ”Well, that’s life.” (Talagang ganoon ang buhay).

Parang ang gustong iparating ni Ellen kay Angelica ay: mayroon talagang iniiwanan, at may ipinapalit sa iniwan.

Kailan naman kaya magri-react si John Lloyd? Hahayaan na lang ba n’yang pagbintangan siya ng ex n’ya ng kung ano-ano (pati na ang umano’y pagpapakain n’ya kay Ellen sa restoran na rating kinakainan nila ni Angelica at ang bill nila ay kay Angelica umano ipina-charge ni John Lloyd)?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …