Sunday , December 5 2021
John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz

GMA may problema raw sa budget; Serye ni John Lloyd ‘di pa maumpisahan

HATAWAN
ni Ed de Leon

PAGKATAPOS ng mga bonggang announcement ng pagtalon ni John Lloyd Cruz sa Kamuning, at ang napakasayang pagsalubong sa kanya ng mga ito, na sabi nila’y 20 years na nilang hinihintay, aba bigla pang may sumingaw na problema.

Hindi kami naniniwala na budget ang dahilan, dahil nang kunin naman nila si John Lloyd tiyak na alam na nila at may inialok na silang talent fee roon para mag-comeback at lumipat sa kanila. Bakit may nagsasabi ngayon na ang talent fee ni John Lloyd, na wala namang dudang mas mataas siguro kaysa natatanggap ng ibang taga-Kamuning ng dati, ang problema?

Mas maniniwala kami kung lumabas na lumaki ang total cost dahil itinodo nang lahat ang maaaring gawin dahil malaking investment nga si John Lloyd. Alangan naman kumuha ka ng isang mahusay na actor na binayaran mo ng malaking talent fee tapos igagawa mo lang ng seryeng puchu-puchu dahil nagtitipid ka. Baka iyon ang naging problema. Alam naman natin limitado lang din ang advertisers ngayon dahil ang mga kompanya ay nagtitipid na rin, at marami nga ang nalugi na at nagsara dahil sa halos dalawang tao nang lockdown.

Pero minsan gumagawa ka ng mga malalaking shows kahit na hindi masyadong malaki ang kita dahil natatangay naman niyon ang ratings ng buong time slot, at pinagkakakitaan ng mas malaki ng ibang shows sa pareho ring slot. Iyon ang carrier show mo para sa time slot.

Pero lahat naman ng mga iyan ay puro usapan lang. Wala namang statement ang GMA tungkol diyan. Wala rin namang sinasabi ang kampo ni John Lloyd tungkol sa project. Baka naman kung nagkaroon nga ng problema ay inaayos lang nila kaya nagkakaroon ng delay. Parang malabo namang sabihing hindi na matutuloy iyon, aba malaking kahihiyan iyan para sa mga taga-Kamuning. Baka masabi pang kuha sila nang kuha ng mga artista tapos hindi naman nila mapangatawanan.

Kami naman, ang paniwala naming, matutuloy iyan dahil malaking bagay iyan sa kanilang programming. Kung bigla ngang papasok sa kanila sa isang serye si John Lloyd, at isang serye pa si Bea Alonzo, tapos ang power pa ng kanilamg estasyon ay 150Kw, tapos ang dami pa nilang provincial stations at affiliates na lahat ay bukas, aba eh sino pa nga ba ang makatatalo sa kanila?

About Ed de Leon

Check Also

Klinton Start Aspire Magazine

Klinton Start cover ng Aspire Magazine, may serye pa sa ABS-CBN

MATABILni John Fontanilla HAPPY si Klinton Start dahil sa dami ng proyektong ginagawa niya ngayon. Bukod sa napili ito ng publisher …

Samantha Bernardo

Samantha ‘di nakasali sa MUP

MATABILni John Fontanilla SASALI pala sana ang Miss Grand International 2020 1st runner-up Samantha Bernardo sa 2021 Miss Universe Philippines.At kahit alam nito …

Jeyrick Sigmaton Carrot Man

Carrot Man Jeyrick wagi sa NY

RATED Rni Rommel Gonzales NI sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jeyrick Sigmaton na magkakaroon siya ng isang international …

Miguel Tanfelix

Miguel ayaw sa babaeng maarte

RATED Rni Rommel Gonzales INILAHAD ni Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix ang nag-iisang ugali na ayaw sa isang babae sa …

Maja Salvador Rhea Tan Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters

Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters, perfect kay Maja Salvador

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KITANG-KITA ang pagiging magka-vibes nina Maja Salvador at lady boss …

Leave a Reply