Saturday , January 28 2023
Andrea del Rosario

Andrea del Rosario, birthday wish ang health ng kanilang buong pamilya

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULA sa pagbabakasyon ni Andrea del Rosario sa Buenos Aires, Argentina at matapos ma-quarantine ng ilang araw, diretso na agad sa work ang aktres.

Nag-taping siya para sa Tadhana, ang drama anthology ng GMA-7, hosted by Marina Rivera. Pinamagatang Ambisyon, kasama rito ni Ms. Andrea sina Klea Pineda, Tetchie Agbayani, Anjo Damiles, Marco Alcaraz, at MJ Lastimosa.”

Kuwento ng former Viva Hot Babe member, “Two days ang showing nito. So our episode will be shown sa December 11 and 18.”

Base sa kanyang FB post, nag-enjoy siya sa taping nito. Nataon kasing birthday din ni Ms. Andrea nang nag-taping siya rito.Post niya sa kanyang FB:Thank you @tadhanagma cast staff and crew for making this day very special , knowing that i have to spend the morning of my birthday at work, with you guys! Super wonderful surprise!!! Thank you guys with all of my ! God bless the show! #tadhanataping #birthdaycelebration #birthday

Bale, fresh sa vacation ay nag-work na agad siya? “Yes, from my quarantine of five days, straight to the set! Hahahaha!” Nakatawang tugon niya.

Kahit birthday niya, work pa rin ang priority niya?

“Umabot lang naman ng morning ng birthday ko, pero may pa-birthday cake naman ang Tadhana! Hahaha! Just around 1:30 am,” nakangiting pakli pa ng aktres.

Ano ang kanyang birthday wish? “Well, good health for the whole family… because, I know it’s a cliche, but I learned especially this pandemic that health is really our wealth.

“Kahit anong ipon pa ang gawin mo, kung magkakasakit ka lang, balewala lang lahat, eh. Especially if you die from sickness… sayang ang life and all you strived to have and achieve,” esplika pa niya.

Kabilang ba sa birthday wish niya ay ang lumakad na sa altar very soon, para magpakasal?Isang malulutong na halakhak lang ang naging tugon ni Ms. Andrea, kaya hindi na naman siya kinulit.

About Nonie Nicasio

Check Also

Mang Kanor Nika Madrid Emelyn Cruz Rez Cortez

Rosanna Roces naluma sa tapang maghubad nina Nika Madrid at Emelyn Cruz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin ang Mang Kanor na pinagbibidahan ni Rez Cortez. Naloka kami dahil parang porno …

Hello, Universe

Hello, Universe! ni Janno wholesome at pwede sa mga bata

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAPANOOD kami ng premiere showing ng Hello, Universe! na pinagbibidahan nina Janno Gibbs, Anjo …

Alden Richards Boy Abunda

Alden madalas mag-share ng blessings kaya sinusuwerte

COOL JOE!ni Joe Barrameda HATS off kami kay Alden Richards sa mga isiniwalat niya nang mag-guest sa …

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

Sheryl Cruz, Leandro Baldemor, Rosemarie Sarita, Zyren dela Cruz MPK

MPK sa Sabado nakakikilabot

RATED Rni Rommel Gonzales NAKAKIKILABOT ang upcoming brand new episode ng real life drama anthology …