Friday , January 27 2023
Kim Chiu, Vicki Belo

Mini-fridge regalo ni Dr Vicki kay Kim

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ANG tarush ng mini-fridge ni Kim Chiu na paglalagyan ng kanyang beauty products na bigay ni Dr. Vicki Belo na ipinost ng TV host/actress sa kanyang IG story noong isang gabi.

Akala namin ay ang Louis Vuitton Tote bag na ang Christmas gift ni Dr. Vicki kay Kimmy noong i-raid niya ang dalawang side by side refrigerator nito sa bahay para i-check ang napakaraming chocolates na stock ng kilalang cosmetic doctor at beauty guru, iba pala ‘yun.

Sabi ng dalaga, ”yey, got this cute gift from Dr Belo.”

At binasa nito ang mensahe sa card, ”wishing you happiness and peace this Christmas. Thank you for being with us through these years. Merry Christmas and a Belo beautiful New Year.”

Ganyan ka-generous talaga si Dr Vicki Belo sa lahat ng Belo babies niya, staff at mga kaibigan na ilang dekada na rin namin siyang kilala ay hindi binago ng panahon kahit hindi kayo nagkikita at nagkaka-usap.

About Reggee Bonoan

Check Also

Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm 2

DONGYAN binulabog ang Angeles; Beautéderm Corporate Headquarters pinasinayaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGKA-TRAPIK-TRAPIK ang kahabaan ng Angeles City nang bumulaga sa pasinaya …

Imee Marcos

Senator Imee, mapapanood sa vlog ang Kamustahan With Young Farmers

ANG vlog series ni Senadora Imee Marcos para sa buwan ng Enero 2023 ay isasara sa pamamagitan ng …

Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm

DongYan at Ms. Rhea Tan, pinangunahan ang unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters. Pinangunahan ng Beautederm President at CEO …

Charles Angeles

Charles ng Marikit Artist Management handa sa intriga sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente NOONG Martes ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ang bagong …

Sanya Lopez Gabbi Garcia Kylie Padilla Sunshine Dizon

Sunshine balik-Kapuso, sisimulan agad ang Mga Lihim ni Urduja

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS hindi i-renew ng GMA 7 ang contract ni Sunshine Dizon noong 2021, nag-decide …