Wednesday , February 28 2024
Herbert Bautista Ruffa Gutierrez

HB-Ruffa gayahin na lang sina Edu at Cherry Pie

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

MATINDI ang kutob namin na sina Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez na nga. Ayaw nilang itanggi at ayaw aminin. Paano na sila? Patago-tago na lang na parang mga kriminal?

Si Ruffa naman ang unang pumiyok, ‘di ba?

Noong nainis si Kris Aquino kay ex-Quezon City Mayor HB dahil inungkat pa nito sa isang social media account ang naunsyaming relasyon nila, biglang nag-react si Ruffa na pinagagalitan ang administrator ng social media account ni Herbert.

Posible naman talaga na ang mga tao na kasing busy ni HB ay may social media administrator. Lehitimo na rin naman ang social media. Ang ‘di lang lehitimo ay ang mga habitual basher na gumagamit ng kung ano-anong pangalan. At siyempre pa ‘di rin lehitimo ang mga ungas na troll.

Sa reaction post ni Kris na iyon n’ya binanggit na may ”beautiful” girlfriend na si HB kaya ang current lovelife na lang daw ang ungkatin nito sa social media n’ya.

Eh nag-react nga si Ruffa, kaya siya ang napagdiskitahang ”beautiful girlfriend.” Nag-react siya, nagpasalamat na “beautiful” ang tingin sa kanya ng madla pero iginiit na kay HB na lang mismo itanong kung sino ang “beautiful girlfriend” n’ya.

Ayaw din naman ni HB na sumagot ng tahasang “oo” o “hindi.”

Batay mismo sa mga post ni Ruffa, okey lang sa kanya na maging boyfriend ang kasing “liit” ni HB kompara sa height n’yang pang-beauty queen naman talaga. Deklara n’ya kamakailan: ”Maliit?? Well, I’m 5’10 so more than half of Filipino men are shorter than me. Besides, height doesn’t matter. Or does it?”

May nag-comment sa tweet ni Ruffa ng linya mula sa kantang  Love Is All That Matters. 

Sang-ayon si Ruffa sa giit ng kanta: dinugtungan n‘ya ang lyrics nito. 

Sa latest paduda naman ni HB tungkol kay Ruffa sa isang blog conference noong Martes, November 30, sagot n’ya noong kulitin siya tungkol sa kanila ni Ruffa: ”Sige, ganito na lang. Alamin niyo muna kay Tita Annabelle kung ano ang gusto niya para kay Ruffa.

“Ganoon na lang muna. Kayo na lang muna ang magtanong sa kanya.

“So after this, puntahan niyo si Tita Annabelle para malaman niyo kung ano ang gusto niya para kay Ruffa.”

Ayon sa mga ulat, ang madalas na kontrabidang ina (Annabelle) sa lovelife ng anak (Ruffa) ay nagkomento umano tungkol kay Herbert na ”medyo maliit lang, pero okay lang.”

Pero hindi kinompirma ni Annabelle ang napapabalitang ugnayan nina Ruffa at Herbert.

Ayon sa reporter na si Jun Lalin na malapit sa mag-ina, ipinagtapat sa kanya ni Annabelle na si Herbert ang nang-engganyo kay Ruffa na tapusin ang pag-aaral kaya nag-enrol ito ng online classes.

Binanggit din ni Annabelle na suportado niya ang kandidatura ni Herbert bilang senador sa 2022 elections.

May napapala ba sina Ruffa at HB sa mistulang gimmick nila?

Pwedeng mayroon, pwedeng wala. Kung may relasyon na nga sila, mahusay na naitatago nila sa netizens ang pagkikita at pag-uusap nila. Pero malamang na may araw (o gabi) na matitiyempuhan sila ng isang netizen na magaling kumuha ng litrato saan mang lupalop, maliwanag man o madilim, ano mang oras.

Oo nga pala, may isang tao na nakaaalam ng katotohanan pero ayaw nang maging sawsawera sa buhay ng iba para ‘di na rin sawsawan ng madla ang buhay n’ya ngayon: si Kris (na future Mrs. Mel Sarmiento).

About Danny Vibas

Check Also

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …

Luke Mejares

Luke Mejares kaliwa’t kanan ang gigs

MATABILni John Fontanilla BUSY as a  bee ang mahusay na singer & composer na si Luke Mejares dahil …