Tuesday , May 30 2023
John Lloyd Cruz, Bobot Mortiz

Sitcom ni John Lloyd sa GMA, tuloy na!

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

FINALLY, tuloy na tuloy na ang upcoming sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA.

Ayon kay Lloydie (tawag kay John Lloyd) nang makausap namin noong Martes ng Hapon, all system go na ang sitcom nila na si Direk Bobot Mortis ang line producer. Hindi naman namin naitanong kung sino ang makakasama niya sa nasabing sitcom.

Ang alam namin ay hindi nila nakuha ang isang artista na sana ay gusto nilang makasama sa sitcom dahil hindi nila kaya ang mataas nitong TF.

Hawak na nila ang program contract mula sa GMA Management na kanilang pinag-aralan.

Naitanong namin kay Lloydie kung pipirma na ba siya ng isang network contract sa Kapuso Network, sagot nito, depende sa magiging outcome ng sitcom at kung maganda ang kalalabasan at working relationship nila rito.

Kung maganda ang ilalatag ng network sa kanya at magkasundo sila sa proyekto na ihahain sa kanya ay bakit naman daw hindi.

Oo nga naman. Wish namin na maging magandang simula ito ni Lloydie sa pagbabalik niya sa showbiz.

About Joe Barrameda

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male starlet tambay ng spa para sa mga prospective client

ni Ed de Leon MAY bagong modus na naman ang mga suma-sideline. Roon naman sila …

Mang Tani

Mang Tani mas may kredibilidad maghatid ng weather report

HATAWANni Ed de Leon NAUUSO na naman ngayon ang mga bagyo matapos ang mahaba at …

Joshua Garcia

Joshua walang yabang sa katawan kahit sikat at mayaman 

HATAWANni Ed de Leon NAGSISIMULA pa lamang siya ay sinasabi na ni Joshua Garcia na hindi siya …

Rhea Tan Beautederm Miss Blanc Beauté Anna Valencia

Miss Blanc Beauté Anna Valencia, thankful sa Beautederm CEO na si Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IGINAWAD ng Beautéderm CEO Rhea Tan ang prestihiyosong Miss Blanc Beauté …

Allen Dizon Wing Commander

Allen Dizon ratsada sa projects, endorser ng Wing Commander

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HATAW to the max si Allen Dizon maging sa pelikula …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *