Friday , October 22 2021
Lani Misalucha, The Clash

Lani misalucha balik-The Clash

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MAGBABALIK bilang judge sa papalapit na fourth season ng original musical competition ng GMA Network na The Clash si Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Masayang ibinahagi ni Lani sa Unang Hirit barkada na muli siyang babalik bilang judge sa well-loved singing competition.

“Mabuti naman ang kalagayan ko, pati na rin ang husband ko. Okay naman kami pero, siyempre, tulad niyong kasabihan na kapag binagyo ka, medyo may iniwang damage ‘yung bagyo. Parang ganoon ang nangyari sa amin.”

Kinailangang huminto ni Lani bilang judge last season dahil nagkaroon siya ng bacterial meningitis kaya ilang araw din siyang na-confine sa ICU ng isang ospital.

Kasunod ng kompirmasyon ng pagbabalik ni Lani sa The Clash Season 4, ibinahagi rin niya ang ilang expectations sa bagong Clashers. 

Aniya, ”Ganoon pa rin naman ang gusto ko, mayroong unique na b2oses, ‘yung nandoon ‘yung maganda ang pag-deliver ng kanyang pagkanta na parang lahat ng emotions nandoon. Kung ano ‘yung nararapat na emotions sa kanta, nandoon ‘yung maibibigay niya. Ganoon pa rin ang hanap ko, uniqueness sa voice and sa performance.”

Kabilang din sa The Clash panel of judges sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Queen Aiai delas Alas.

Abangan ang nalalapit na pagbabalik ng The Clash Season 4 sa GMA-7.

About Joe Barrameda

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

Suzette Escalante

Suzette Escalante, outstanding celebrity tattoo specialist

ISANG malaking karangalan para sa Aesthetic Tattoo Specialist na si Suzette Escalante, owner ng Suzette Escalante …

Jun Miguel, Talents Academy

Direk Jun Miguel masaya sa 2 tropeong naiuwi ng Talents Academy

MATABILni John Fontanilla DOBLE ang saya ang director/producer na si Jun Miguel dahil nagwagi sa katatapos na 34th …

Andrea Torres

Andrea nakikipag-date na

Rated Rni Rommel Gonzales MATAPOS ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay last year, kinompirma ni Andrea Torres na nakikipag-date …

Leave a Reply