Tuesday , November 30 2021
Derek Ramsay John Estrada Ellen Adarna
Derek Ramsay John Estrada Ellen Adarna

Derek tinapos na ang pakikipagkaibigan kay John

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TINAPOS na ni Derek Ramsay ang pagkakaibigan nila ni John Estrada dahil sa naging problema ng fiancée niyang si Ellen Adarna sa sitcom na John En Ellen na napapanood sa TV5.

Si John ang producer ng programa at dahil sa kaliwa’t kanang isyu kay Ellen ng taga-production na hindi maganda ay nagalit na ang kanyang husband to be.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Derek para sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel kasama si Mama Loi ay natanong nito kung magka-away sina Derek at John.

“Hindi ko siya kaaway, hindi ko (na) siya kaibigan.  He’s no longer a friend of mine. I just don’t want to associate myself with John.

“Magsisinungaling ako kung (sasabihin ko) walang kinalaman ‘yung nangyari kay Ellen, pero ‘yon ‘yung icing on the cake. ‘Yun ang nag-push sa akin na okay, enough is enough,” diretsong sagot ng aktor.

Sabi pa ni Derek nang mag-usap sila ni John, “I think naramdaman niya ‘yung galit ko. I think na-understand naman ni John kung saan ako nanggaling. And in fairness to John, he was very apologetic about the experiences. Ayaw ko ng palakihin ‘to kasi marami ng nangyari.

“Pero, there were certain things na ‘di ko na puwede tanggapin. For me, you go on with your life, I’ll go on with my life and I wish him well.

Sa tanong ni Ogie bakit ngayon lang lumabas ang ganitong balita gayung Hunyo pa ito nangyari, “Hindi ko alam, ikaw na lang magsabi kung ano, ako kasi ang artistang hindi gumagawa ng gimik,” diretsahang sagot ng aktor.

Ipinagdiinan pa na marami na siyang nakatrabahong malalaking pangalan sa showbiz pero hindi siya gumimik para pag-usapan ang programa o pelikula niya.

“I don’t make gimmick to make my show rate or to make my films successful!” sambit nito.

Pero nagpasalamat si Derek kay John dahil ito ang naging tulay para makilala niya ang future wife.

Ano nga ba ang dahilan bakit kaliwa’t kanan ang bira kay Ellen at bakit kasama ang fiancé nito sa duration ng lock-in taping sa San Juan, Batangas.

“Nandoon ako noong nangyari (sinasabing walk-out ni Ellen) kasi po hindi naman sila naka-bubble, so bukas ‘yung resort and I was able to stay there at malayo po ‘yung resort sa San Juan, Batangas so roon ako natulog kasi ako ‘yung mag-uuwi kay Ellen.

“Doon ako natulog at hindi ako lumabas ng kuwarto and I think people can attest to that na doon lang ako sa kuwarto namin. ‘Yung mga bagay na sinabing kumakain kami ng bulalo or whatever hindi ko alam kung paano nila nalaman ang inoorder namin at hindi ko nga alam kung nakatikim ako ng bulalo. Pero kung ano ang kinain namin sa sarili naming kuwarto ay kami po ang nagbayad niyon. So kung gusto nilang makakita ng resibo, puwede naman nating gawin ‘yun.

“Ellen was given a choice of extending the night before para matapos ang mga eksena na kailangang tapusin pass the required IATF rules, nakiusap sila na ‘yung 12 hour rule na ire-release na lang siya ng 12 o-clock noontime the next day, so tinanggap na ni Ellen kaysa late na naman siyang matapos sa last day delikado naman kaming magbiyahe ng hatinggabi pauwi. 

“Sabi ko kay Ellen na magandang deal ‘yan, tanggapin mo na lang, 12 noon tapos ka na. Pero hindi naman siya natapos ng 12 noon umabot pa ng 1:30 p.m..So after that scene umalis kami at ako ‘yung tagakarga ng bagahe, ‘di ba sabi nga ni Long (Mejia) ako ‘yung PA at utility. Alam ko namang nagbibiro lang si Long at nag-public apology na rin si Long kasi hindi naman niya alam ‘yung mga bagay na nangyayari which is ‘yung usapan nga ng production,” mahabang kuwento ni Derek kay Ogie.

Maraming mga nangyari na ayaw na lang pahabain pa nina Derek at Ellen.

“’Yung sinabing hindi nakikisama si Ellen sa set, I think people should understand that we are in a pandemic and the rules, you should also respect her wishes na pagkatapos ng eksena rather that makipag- tsikahan on the set and all of that she wants to be safe and just stays in her room because she doesn’t want to risk getting sick kasi babalikan niya ang anak niya, babalikan niya ako at babalikan niya ang magulang ko,” paliwanag ng aktor.

Inamin din na pagtapos kunan ang mga eksena ni Ellen ay bumabalik siya ng kuwarto niya at saka hihintayin ang susunod na eksena. At ang sinasabing hindi nakiki-bonding ang aktres sa prod staff.

“Lagi nga siya umoorder ng pagkain para sa mga tao sa set. Sabi nga ni John sa akin and God is my witness na sabi niya, ‘kaya namin mahal na mahal si Ellen kasi madaling katrabaho at masaya, so I don’t know why nasabi ni Long na hindi nakikisama. Eh, baka si Long gustong magpatawa, Ellen wants to be safe,” pagtatanggol sa mapapangasawa.

At dahil hindi exclusive ang resort para sa taping ng John En Ellen ay may nilabag na rito ang production kaya magsusumite raw ng report si Ellen at ang management nito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions o IATF dahil lumabag sa COVID-19 health protocols.

Anyway, bukas ang HATAW sa panig nina John o sinuman sa produksiyon ng John En Ellen.

About Reggee Bonoan

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla Aljur Abrenica

Robin nalungkot balikan nina Kylie at Aljur imposible na

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MAY YouTube channel na rin pala si Kylie Padilla at kamakailan ang naging guest n’ya …

Janina Raval

Janina Raval tatapatan ang pagpapa-sexy ni AJ Raval

HARDTALKni Pilar Mateo ALAM niyang hindi naman siya nagkakamali sa pinanghahawakan niyang intensiyon sa pagsalang sa mundo ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Yeng Constantino Mother Victor Asuncion

Yeng namatayan ng ina, nagka-covid pa silang mag-asawa

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE ang pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawang Yeng Constantino …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme sa kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan — Leadership is about who did good

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw …

Leave a Reply