Saturday , July 27 2024
John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz

John Lloyd sa mga bumabatikos sa kanya — ‘di mo naman sila puwedeng i-condemn

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

SA podcast interview ng ABS-CBN newscaster-host kay John Lloyd Cruz, lumalabas na napakalalim n’yang tao at napakababaw ng madla. 

At hindi naman daw kasalanan ng ibang tao kung limitado man ang kanilang pang-unawa at hindi siya nauunawaan.

Sagot ng aktor sa tanong kung totoo na nagkaroon siya ng bisyo sa alak at droga: ”Hindi nila kasalanan na ganoon ‘yung pananaw nila about certain struggles. Like, real struggles of a human being, why people resort to substance.”

Inilalabas na lang daw ni John Lloyd sa kabilang tenga kapag nakaririnig siya ng ganoong pahayag tungkol sa kanya.

“Parang you try to… pasok dito, ilabas dito… Kasi hindi naman nila alam, eh.

“And hindi mo naman sila puwedeng i-condemn o sisihin sa isang bagay na limited ang kanilang pang-unawa.”

Pati naman ang mga kadugo at kaibigan niya, nagkakaroon ng hindi magandang impresyon sa kanya.

Pagtatapat n’ya: ”So, it’s unfortunate and sad, pero kasi umaabot siya on the level of kamag-anak, ‘di ba, kaibigan. Na kailangan mong intindihin, unawain, dahil iba-iba kayo ng pananaw sa buhay. Iba-iba kayo ng values and choices…

“And kung ano ‘yung totoo sa ‘yo, maaaring hindi totoo sa kanila. Kung ikaw naniniwala ka sa certain spirits and sila hindi, ganoon talaga, eh.”

Tinanong ng broadcast journalist ang aktor kung anong gusto niyang baguhin sa sarili, na pilit niyang nilalabanan?

Sagot ng aktor, ”Lagi, tuloy-tuloy ‘yan, eh. Unfortunately, you have to contend with your demons for the rest of your life.

“And you have to be good at it, especially when you get old.”

Aasahan ba na isang bagong John Lloyd ngayon ang nagbabalik-showbiz?

Malalim na sagot ng actor, ”Again, nakapaloob pa rin ako sa isang journey. And I don’t really take note of what’s the new you, or what’s new, what’s old, what’s vital.

“I can’t say for sure kung… mahirap, eh. Gusto ko lang siyang mag-unfold on its own. Kung ito na ‘yon, then so be it.

“I think ang mas importante is ‘yung alam mo sino ang gustong makipag-collaborate, sino ba ‘yung gustong makipag-discourse.”  

About Danny Vibas

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *