Saturday , May 21 2022
KZ Tandingan 11 59

Kantang 11:59 ni KZ pinakamalaki sa puso niya

EXCITED si KZ Tandingan para sa kanyang bagong soul single, ANG 11:59 hindi lamang dahil ito ang una niyang internationally released single kundi itinuturing din niya itong pinakamalapit sa kung sino siya bilang artist.

“Out of all the songs I’ve released in the past, this I think is the closest to who I really am. This is really what I wanna do with my music, the sound I want to release out there,” ani KZ na tinaguriang Asia’s Soul Supreme.

Nagbahagi rin siya ng kuwento tungkol sa bagong labas na 11:59 music video na base mismo sa mensahe ng kanta at nagpapakita ng konsepto ng oras sa isang tuloy-tuloy na shot.

“I’m super proud of what we came up with. We did six layouts in one take,” ani KZ. 

Ikinuwento naman ni Dominic Bekaert ng Zoopraxi Studio na siyang bumuo ng konsepto at nagdirehe ng music video ang inspirasyon tungkol sa visual masterpiece.

“Listening to the song what we found beautiful in ’11:59’ is she gives her boyfriend a minute to come forward with the truth and explain what he has done, what he is hiding,” ani Dominic.

“To symbolize it, we created a track that goes around, time on a loop like a clock. The camera revolves around these different confessional scenes while she tries to get the truth of him,” dagdag pa niya.

Ang Grammy-nominated producer na si Luigie “LUGO” Gonzalez kasama sina Paulino Lorenzo at Idrise Ward-El ang nagprodyus ng pinaka-latest project ni KZ. Inilunsad naman ito sa ilalim ng Tarsier Records sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ibida ang galing ng mga Pinoy sa global stage.

Nabibilang ang kanta sa New Music Friday playlist ng Spotify sa 10 territories, kasama ang Malaysia, Singapore, Hong Kong, Indonesia, Taiwan, Vietnam, Thailand, Gulf, Korea, at Pilipinas pagkatapos itong ilunsad noong Biyernes (October 22).  

Patuloy na pakinggan ang 11:59 single ni KZ at panoorin ang music video nito sa Tarsier Records YouTube channel.  (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Marian Rivera Dingdong Dantes

Sitcom nina Dingdong at Marian pinasadsad ang katapat na show

RATED Rni Rommel Gonzales MULING pinatunayan ng Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sila …

Kylie Padilla Bolera

Kylie Padilla balik-acting via Bolera

I-FLEXni Jun Nardo PERFECT timing ang world premiere ng bagong Kapuso series na Bolera ni Kylie Padilla. Kasi nga, naiproklama …

GMA7 ABS-CBN

Pangunguna ng GMA walang duda (sarado na kasi ang ABS-CBN)

HATAWANni Ed de Leon PAULIT-ULIT na ipinagmamalaki ng GMA 7 na sa ngayon sila ang nangungunang estasyon …

Martin Nievera

Smile ni Martin makabuluhan ang lyrics

HATAWANni Ed de Leon MATAPOS ang mahabang panahon ng pananahimik dahil sa pandemya, finally may …

Suzi Entrata Paolo Abrera Mariel Rodriguez Gino Roque

Mariel, Paolo, Suzi, at Gino nagbigay payo para sa kalusugan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADONG OA na ina si Mariel Padilla kaya naman nakikipagtsikahan siya sa …