Saturday , June 10 2023
Kris Aquino, Mel Sarmiento

Kris tinanggap ang alok na kasal ni Sarmiento; Mga kaibigang celebrities kinilig

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa tapos ang pagpapakilig ni Kris Aquino sa kanyang fans dahil kung maraming mga kaibigan at fans niya ang nasiyahan sa pagbabalita ng ukol sa kanilang engagement ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Mel Sarmiento, masmarami ang maiiyak at matutuwa.

Ang latest kasi’y tinanggap na ni Kris ang alok na kasal ni Sarmiento ayon na rin sa pagbibigay ng consent ng bunsong anak ng TV host-actress na si Bimby.

Si Sarmiento, 59, ay dating kalihim ng DILG sa ilalim ng administration ni dating President Noynoy Aquino. Rati rin siyang Congressman sa 1st district ng Samarat naging mayor ng Calbayog City.

Ayon sa tatay-tatayn ni Kris na si Dindo Balares, dating editor ng Balita“May kuwento siya sa akin, kasama sa sinabi niya na, ‘I said yes. With Bimb’s full consent, of course.”

Wow! Ang saya naman. At ang sunod na tanong naming ay kung pinaplano na alian kasal at kung alian ito magaganap.

Sagot muli ni Balares, “Wala pa pong date.”

So wait na lang tayo sa further announcement ni Tetay, for sure naman hindi nila iyon itatago dahil alam niyang marami ang naghihintay at masisiyahan sa pagharap niya sa altar kasama si Sarmiento.

Sa kabilang banda,  bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati ng mga kaibigan at fans kay Kris. Narito ang ilang mensahe ng mga kaibigang celebrities kay Kris.


“Wow!!!!! I was smiling the whole video!!!! So much love and happiness ate. You deserve all the happiness in the world ate. God really answers prayers in His own perfect time. Love you ate,”  mensahe ni Kim Chiu.

Sabi naman ni Anne Curtis, “Ate Kris, so happy for you!!!”

“Ate!” lang ang maikling post ni Angel Locsin kasama ang maraming red heart emojis.

Nagbigay din ng komento ang anak-anakan ni Kris sa showbiz na si Miles Ocampo na close kay Bimby. Aniya, “I love you, my nanay.”

“OMG. SO HAPPY FOR YOU KRISY!!!!!!” sey naman ni Darla Sauler.

 “Congratulations!” ang maikling sabi ni Bea Alonzo.

“Mare!!!!! So happy for you!” sambit naman ni Ogie Alcasid.

Marami pa ang bumati kay Kris tulad nina Mariel RodriguezPokwang, Alex Gonzaga, Moira dela Torre, Jinkee Pacquiao, Rabiya Mateo, Carmina Villaroel, Angeline Quinto, Vina Morales, K Brosas, Neri Naig, Cheska Kramer, Geneva Cruz, Gladys Reyes, at LJ Moreno.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Wilbert Ross Yukii Takahashi Ang Lalaki sa Likod ng Profile

Ang Lalaki sa Likod ng Profile, koneksiyon at kilig handog sa Episode 8 (Habang milyon-milyon na ang views) 

PITONG linggo na ang nakararaan mula noong lumabas ang unang episode ng Ang Lalaki sa Likod …

Jon Lucas Angelica Jones Elle Villanueva

Angelica Jones relate sa role ng Tadhana’s Reunion: Balik-Eskwela 

PAMBU-BULLY at paghihiganti. Ito ang pinag-uusapang kuwento sa pagbabalik-telebisyon ni Angelica Jones sa 5th anniversary presentation ng  GMA …

GMA Kapuso Foundation

GMA Kapuso Foundation may regalo sa mga Ina ng Tahanan 

MALAKING blessing talaga ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa mga Filipino dahil patuloy pa rin sila sa …

Sophia Senoron Elle Villanueva Ysabel Ortega Noreen Divina

Sophia, Elle, at Ysabel sanib-puwersa sa salon & foot spa business

RATED Rni Rommel Gonzales TATLONG Sparkle/Kapuso female stars at Voltes V: Legacy cast members ang nag-franchise ng Nailandia nail …

Dennis Trillo Popoy Caritativo

Dennis kumawala na sa kuwadra ni Popoy

I-FLEXni Jun Nardo INIWAN na ni Dennis Trillo ang manager niyang si Popoy Caritativo after 20 years. Magkasama na …