Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JLC at Ellen, sinisimulan na ang pag-i-invest

MAGKATOTOO man o hindi na magpapakasal ang ngayon ay magka-live-in na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, mukhang nagsisimula nang mag-invest ang magsing-irog na ayaw malaos habang nagtatago sa madla.

Nag-post sila sa respective Instagram nila ng pictures ng isang bulubunduking lupain na mukhang balak nilang bilhin—batay sa isinulat nilang captions sa mga litrato. Pero hindi nila nilinaw kung nasaang probinsiya ang lupaing ‘yon.

Ang Instagram ni John Lloyd ay @ekomsi. Ang kay Ellen ay @maria.elena.adarna.

Caption ni Lloydie sa isang pic: “My view is my empire,” at “Mine, yours.” Nag-comment si Ellen sa pamamagitan ng “heart” emoji.

May ipinost din si Ellen na video na namamangka sila sa dagat na nasa paanan ng bundok. Parang nakatakip ng unan ang tiyan ni Ellen. Parang itinatago pa rin n’ya ang pagiging buntis n’ya. Wala siyang make-up. Ang ganda pa rin n’ya!

May part sa video na naglalakad sila sa dalampasigan na maraming maliliit na alimasag sa buhanginan.

Kailan kaya sila haharap sa madla? Magpapakasal nga ba sila?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …