Tuesday , November 11 2025

Porsche walang plaka hinarang ng LTO at HPG

103025 Hataw Frontpage

PINIGIL ng  pinagsanib na operasyon ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang luxury sports car— 2020 Porsche 911 Carrera S, sa Sta. Rosa–Tagaytay Road, Barangay Santo Domingo, Sta. Rosa City, Laguna nitong Martes, 28 Oktubre 2025.

Sa ulat ni LTO Region 4A Director Elmer J. Decena kay LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang Porsche ay hinarang dahil sa walang nakakabit na plaka sa unahan.

Sa pagsusuri, ipinakita ng driver ang Official Receipt (OR) ng sasakyan bilang patunay ng transfer of ownership, ngunit nabigong maipakita ang Certificate of Registration (CR).

Dahil dito, inisyuhan ang driver ng Temporary Operator’s Permit (TOP) para sa paglabag sa Section 2.A (No Plate Attached) at Section 2.E (Operating a Motor Vehicle Without Carrying OR/CR) sa ilalim ng Joint Administrative Order No. 2014-01. Kinompiska rin ang lisensiya ng may dala ng Porsche.

Sa isinagawa pang karagdagang beripikasyon sa Land Transportation Management System (LTMS), nakompirmang rehistrado ang sasakyan dahilan para baguhin ang unang paglabag sa Section 1.I (Failure to Carry OR/CR), habang nanatili ang paglabag sa Section 2.E.

Kaugnay nito, pinuri ni Asec. Lacanilao ang matagumpay na pagtutulungan ng LTO at HPG, at binigyang-diin ang kahalagahan ng mahigpit at patas na pagpapatupad ng batas sa kalsada.

“Pantay-pantay ang batas para sa lahat. Regardless of the type or value of the vehicle, lahat ng motorista ay kailangang sumunod sa mga kinakailangang registration at documentation.

“The law applies equally to everyone,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

Patuloy ang LTO CALABARZON sa pagpapatupad ng mga hakbang upang matiyak na lahat ng sasakyan sa rehiyon ay sumusunod sa mga umiiral na batas at regulasyon sa transportasyon. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …