Tuesday , November 11 2025

Elf nahulog sa bangin 3 patay, 2 nawawala

102825 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

TATLONG pinaniniwalaang construction workers ang kompirmadong patay habang dalawa ang hinahanap pa matapos bumulusok sa bangin ang sinasakyang blue Elf truck kasunod ng banggaan ng tatlong sasakyan sa Mountain Province nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa Bontoc Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), 6:00 ng umaga nitong Lunes, 27 Oktubre, nang maganap ang insidente sa Sitio Gawa, Barangay Tocucan, Bontoc.

Batay sa ulat, nabangga ng Elf truck ang isang Fiera at isang mini-dump truck habang binabaybay ang paakyat na bulubunduking kalsada sa Gawa area.

Dahil sa impact, lumihis ang Elf truck sa kalsada at nahulog sa bangin na may halos 100 metro ang lalim, at napadpad sa Chico River sa ibaba.

Patay na nang marekober ng mga awtoridad ang tatlong pasahero sa loob ng wasak na sasakyan habang nawawala ang dalawa pang kasama nila.

Nabatid na ang mga sakay ng truck ay manggagawa ng Balintaugan Construction, at patungo sa isang project site sa Kuro-Kuro, Sadanga, nang maganap ang insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …