RATED R
ni Rommel Gonzales
TATLONG guwapo at baguhang male singers ang inaasahang gagawa ng malaking pangalan sa music industry. Sila ay sina Nico Crisostomo, Kyle Daniell, at Brence Chavez na inilunsad kamakailan ng ABS-CBN Star Music.
Bagong single ng 24-year old na si Nico ang Dahan Dahan, Isang hospitality management graduate mula sa National University, Manila, natagpuan ni Nico ang passion sa pagkanta noong panahon ng pandemya.
Mula sa Silang, Cavite, na-develop nang husto ang vocal skills ni Nico sa pamamagitan ng live streaming. Inspirasyon nito sina Justin Bieber, Bruno Mars, Ed Sheeran, at Shawn Mendes.
Indie-pop at pop-rock ang genre ni Nico at ang kantang In The Stars ni Benson Boone ang paborito niyang awitin ngayon.
Aniya. “I embarked on my competitive singing journey, achieving notable success as the first runner-up in an Uplive singing contest.
“While my audition for ‘Idol Philippines’ was unsuccessful, I remain dedicated to my musical pursuits. I am continuously striving to hone my craft and share my unique voice with the world.”
Pangarap ni Nico na maging isang kilalang mang-aawit at songwriter na makapagbibigay inspirasyon sa ibang artists.
Naniniwala si Nico na, “Always give it your best, keep fighting, and you’ll get there for sure.”
Libangan niya ang physical activities, travelling, at cooking.
Ang Hindi Minahal naman ang bagong single ni Kyle.
Isang makisig na singer-songwriter mula sa Bulacan, hinahangaan siya ng mga tagapakinig dahil sa kanyang soulful pop-ballads na humahaplos sa kanilang puso.
Bukod sa kanyang magandang tinig ay isa ring mahusay na digital commercial actor si Kyle, na bawat proyekto ay kakikitaan ng kakaibang pamamaraan ng pagkukuwento at vibrant personality.
May taas na 6’1” ang 25-anyos na si Kyle na nagtapos sa Bulacan State University. Ang genre naman ng kanyang musika ay pop-ballad at ilan sa mga paborito niyang music artists ay sina Rosé at Henry Moodie.
Paborito niya ang kantang Fallin ni Janno Gibbs, at ang dream collab niya ay sina Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Maymay Entrata, Maki, at TJ Monterde.
Lahad ni Kyle, “I have many dreams in life. Aside from becoming a successful singer, I wanna be a hitmaker, have TV commercials, be part of a series or movie, and at the same to help charity institutions. Generally, to have a better life.”
Mahilig si Kyle sa kotse at pakikinig sa piano at violin.
Naniniwala siya na, “Until it is my turn, I will keep clapping for others.”
Ang Gabay naman ang bagong awit ng vocalist/songwriter mula Indang, Cavite na si Brence. Pitong taong gulang pa lamang siya noong magsimula sa kanyang pagkanta, na lalong nag-umigting sa pagsali niya sa mga choir at choral group sa edad na 11.
Sa edad na 20, naging main vocalist si Brence ng YFC Cavite Provincial Band.
Ngayon sa edad 25, parte na si Brence ng ABS-CBN Star Music, at handa na siyang ibahagi ang kanyang mga original melody at mapusong boses sa mundo.
May taas na 6 feet, graduate si Brence ng kursong B.S. Development Management sa Cavite State University (Main Campus).
Ang mga uri ng kanta na hilig ni Brence ay R&B at Soul. Hinahangaan niya sina Michael Pangilinan, KZ Tandingan, at Gian Bernardino.
Paboritong kanta niya ang Nag-iisang Muli ng Cup of Joe. Hilig din niya ang paglalaro ng basketball at volleyball.
Isang family and career-oriented na tao si Brence. “Always find balance in everything you do,” saad ni Brence, na nangangarap maging isang matagumpay na singer balang-araw.