NAGPALIGSAHAN ang mga incumbent at bagong senador sa paghahain ng unang sampung panukalang batas sa pagsisimula ng 20th congress.
Ang ibang mga senador ay personal na naghain ng kanilang sampung panukalang batas sa Bills and Index Management.
Iba’t ibang sektor sa lipunan ang mga benepisaryo sa inihaing panukalang batas ng nga senador.
Kabilang dito ang sektor ng edukasyon, kabuhayan, paglago ng ekonomiya, at higit sa lahat makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga mamamayan.
Mayroon pang round 2 ang mga senador upang makapaghain ng dagdag na panibagong sampung panukalang batas.
Magugunitang inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na nagbunutan silang mga senador kung sino ang unang maghahain ng panukalang batas sino ang susunod hanggang dumating sa dulo.
Dahil dito kung dati ay mayroong natutulog sa labas ng pintuan ng bills and index office at may nakapilang mga upuan bilang tanda upang mag-unahan sa paghahain, ngayon ay wala na. (NIÑO ACLAN)