
“ANYARE Chiz Escudero? Dapat nga protektor ka ng batas hindi protektor ng massive corruption!”
Ito ang tahasang sinabi ni Atty. Howard Calleja kasunod ng pagtuligsa kay Senate President Francis “Chiz” Escudero kasabay ng akusasyon na masyado nang hinaharang sa loob ng apat na buwan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Magugunitang noong 5 Pebrero ay isinumite sa senado ang reklamo laban kay Duterte at isang oras matapos na matanggap ng senado ay ini-adjourn ni Escudero ang sesyon imbes magwakas sa 7 Pebrero ng taong kasalukuyan.
“From February 5 to June 5, dapat tapos na ang impeachment. Pero ang daming kesyo ni Chiz, all of them lies and legal palusot because he wants the mid-term elections to deliver more pro-Sara senators who will acquit her,” ani Calleja.
“Now that the pro-Sara senators had been elected, Chiz wants to make sure it is the new 20th Congress, not the present 19th Congress, that will try Sara. Chiz has been protecting Sara all along and making sure she will not be made to account for the hundreds of millions of confidential funds she has stolen from the people, from the masa, from the taxpayers, from the voters,” dagdag ni Calleja.
Ipinaliwanag din ni Calleja, sa ilalim ng Konstitusyon ay nakapaloob na mayroong tungkulin at mandato ang senado na sinasabing “forthwith” o agarang magsagawa ng paglilitis laban kay Duterte simula pa lamang noong 5 Pebrero ngunit sa loob ng apat na buwan ay walang nangyari at pawang “partying at mouthing empty legalities”.
“Chiz, in trying to protect Sara, is protecting corruption. He doesn’t care about the people but only about himself and the votes he could get in 2028 from the Duterte camp at the very least,” giit ni Calleja.
Nahaharap sa impeachment trial si VP Sara matapos patalsikin sa kongreso dahil sa nilustay na P600 milyong confidential funds at paggamit ng mga pekeng pangalan bilang recipients gaya ng ‘Mary Grace Piattos’ at nitong huli’y nakaladkad din ang pangalan ng aktres na si Marian Rivera, at congressman-elect Chel Diokno. (NIÑO ACLAN)