Saturday , June 14 2025
Gen Nicolas Torre III

3 prayoridad, inilatag
AKSYON HINDI PURO DADA — GEN. NICOLAS TORRE III

BINIGYANG-DIIN ng ika-31 punong hepe ng Philippine  National Police (PNP) na hindi kailangan ang maraming salita sa halip ay ipakita sa gawa bilang atas sa mga kapwa-pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Kahapon ng umaga, opisyal nang umupo si Gen. Nicolas Torre III bilang Chief PNP kasabay ng pagreretiro ni PGen. Rommel  Francisco Marbil sa isang seremonyang dinalohan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Kampo Heneral Rafael T. Crame sa Cubao, Quezon City.

Sa pagsisimula ng kanyang tungkulin, sinabi ni Torre III na tatlong bagay ang  kanyang magiging basehan sa kanyang panunungkulan.

Kinabibilangan ito ng mabilis at patas na pagseserbisyo sa publiko; pagkakaisa at pagpapataas ng moral; ang huli, accountability at modernization.

Ipinaliwanag ni Torre, sa ilalim ng mabilis at patas na pagseserbisyo, ipatutupad na ang 3-minute response sa buong bansa gamit ang  911 at pagpapaigting ng police visibility.

Binigyang-diin na pinakaepektibo pa rin ang  pagpapatrolya ng mga pulis sa lansangan laban sa nagbabantang krimen.

Titiyakin ni Torre ang pagkakaisa ng lahat ng PNP personnel upang mas maayos ang organisasyon at paiiralin ang respeto sa bawat isa.

Palalakasin ang pagsasanay ng mga pulis upang mas lalong maging epektibo sa pagpapatupad ng peace and order sa bansa.

Hindi na puwede ang ‘pogi points’ at sa halip ay dapat na tiyakin ng bawat pulis na tama ang kanyang trabaho.

Walang puwang sa liderato ni Torre bilang PNP chief ang padrino system at sa halip ay pararangalan ang mga karapat-dapat sa promosyon.

Bagamat kailangan ang modernisasyon, sinabi ni  Torre na gagamitin ang bagong kagamitang binili ng  PNP sa ilalim ni Marbil upang mas maging epektibo ang  responde sa mga emergency cases.

Muli, hinamon niya ang kanyang mga tauhan na huwag puro salita sa halip ay ipakita sa gawa. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga …

061325 Hataw Frontpage

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

HATAW News Team HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang …

Bella Belen Alas Pilipinas AVC Womens Volleyball Nations Cup

Sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi, Vietnam
Alas Pilipinas (Women’s) ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan sa panalo kontra Kazakhstan

TINALO ng Alas Pilipinas ang mas mataas na ranggong koponan ng Kazakhstan, 25-21, 25-15, 25-19, …

GameZone Vice Ganda FEAT

IT’S A MATCH! GameZone launches dynamic new chapter with Vice Ganda as its first-ever ambassador

The newest logo of DigiPlus’ youngest gaming platform – GameZone. The game just got better …

AVC Womens Volleyball Nations Cup

Alas Pilipinas wagi laban sa New Zealand

ALAS PILIPINAS ay wagi kontra New Zealand, 25-17, 25-21, 25-18, upang manatiling buhay ang pag-asa …