NANGUNGUNA pa rin si Valenzuela Mayor WES Gatchalian sa puso ng mga taga-Valenzuela sa nakuhang 295,876 boto sa naganap na 2025 midterm elections kaya naman ‘tuloy ang progreso’ nang iproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa ALERT Center Multi-purpose Center Hall, kahapon, Martes ng umaga, 13 Mayo.
Pasok si First District Councilor Marlon Alejandrino bilang running mate ni Mayor Gatchalian na nakakuha ng 244,708 votes.
Naging mahigpit ang laban sa Congressional Districts 1 at 2 na nakuha ni Tuloy ang Progreso District 1 candidate Kenneth Gatchalian, ang upuan para sa House of Representative na nakakuha ng 80,410, lamang ng 781 boto sa katunggaling si Tony Espiritu na may 79,629 boto.
Nagdiwang ang mga tagasuporta ni konsehal Gerald Galang nang magwagi bilang 2nd District Representative sa nakuhang 95,878 boto laban kay Dra. Kat Martinez na nakakuha lamang ng 80,490 boto.
Nakapasok bilang 1st district councilors sina re-electionists Cris Feliciano-Tan, Ghogo Deato Lee, Atty. Bimbo Dela Cruz at first-time councilors Atty. Richard Enriquez, Kisha Ancheta, at Goyong Serrano.
Habang sa District 2 ay sina incumbent Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, re-electionists Niña Lopez, Sel Sabino-Sy, Chiqui Carreon, Mickey Pineda, at Louie Nolasco. (VICK AQUINO)