NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ikumpuni ang ilang kalye sa Metro Manila ngayong darating na Semana Santa (Holy Week).
Magsisimula ang pagkukumpuni ng DPWH, 11:00 ng gabi ng 16 Abril magtutuloy hanggang 5:00 ng umga sa 21 Abril 2025.
Kabilang sa mga lugar at kalyeng kukumpunihin ay ang mga sumusunod:
Sa Quezon City, 1) Quirino Highway, mula Colegio De Sta. Teresa De Avila hanggang Primrose (1st lane from sidewalk) southbound; 2) A. Bonifacio Avenue, 11th Avenue hanggang C-3 (1st lane mula sa sentro);
3) G. Araneta Avenue, Del Monte Avenue hanggang N.S. Amoranto (3rd lane mula sa sentro);
4) A. Bonifacio Avenue, Blumentritt to Mauban (2nd lane mula sa sentro); 5) Sct. Alcaraz, A. Bonifacio Avenue hanggang Sto. Domingo, (2nd lane);
6) Payatas Road, Kapatiran St., hanggang Total Gas Station (2nd lane mula sidewalk); 7) Payatas Road, Bansalangin St., hanggang Enzo motor works (2nd lane mula sidewalk); 8) Payatas Road, Yakal St., hanggang Wilson Autoshop (2nd lane mula sidewalk); 9) Payatas Road, Bistek Ville hanggang Quality Fuel (2nd lane mula sidewalk); 10) Batasan Road, Kalinisan St., hanggang Kaunlaran (1st lane mula sidewalk);
11. G. Araneta Avenue, N.S. Amoranto hanggang Del Monte (2nd lane mula sa sentro); 12) Congressional Avenue Ext., sa pagitan ng J.L. Escoda at Tandang Sora Avenue (2nd lane mula sidewalk); 13) Commonwealth Avenue, sa harap ng Microtel hanggang Technohub (2nd lane mula MRT);
14) Commonwealth Avenue, sa harap ng General Malvar Hospital hanggang Puregold (3rd lane mula sa MRT); 15) Commonwealth Avenue, sa harap ng Elliptical Road hanggang kanto ng University Avenue (3rd lane mula MRT); 16) E. Rodriquez Jr., Eastwood hanggang sa harap ng BMW (3rd lane mula center island); 17) E. Rodriquez Jr., sa harap ng Wilcon Depot Center hanggang sa kanto ng Green Meadows Avenue (1st lane mula center island);
18) C-5 Road Katipunan Avenue (northbound), kanto ng C.P. Garcia hangang sa harap ng UP Town Center (3rd lane); 19) E. Rodriquez Jr. (southbound), sa harap ng Tile Center hanggang Wilcon Depot (2nd lane);
20) Fairview Avenue, Jordan Heights Subd., hanggang LTO Novaliches (2nd lane mula sentro);
21) Mindanao Avenue underpass (southbound) (1st lane and 2nd lane) (full closure); 22) Mindanao Avenue underpass (northhbound) (1st lane and 2nd lane) (full closure).
Makati City:
23) Magallanes Flyover (northbound), EDSA, Makati City [partial (half bridge – upper/lower level) closure]
Pasig City:
24) C5 Ortigas flyover (southbound) along C5 Ortigas flyover (full closure); 25) Ortigas C5 Interchange from East on Ramp to Southbound Off Ramp along C5 Ortigas Interchange (full closure).
Lahat ng sasakyan ay daraan sa Service Road patungo sa destinasyon.
Lahat ng sasakyan ay daraan sa Ortigas Flyover deretso sa Lanuza intersection kakaliwa sa J. Vargas hanggang sa destinasyon.
Dahil dito pinapayohan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na daanan at maghanap ng alternatibong ruta kabilang ang mga kalsadang pasok sa Mabuhay Lanes. (NIÑO ACLAN)