Tuesday , April 22 2025
Atty Levi Baligod Malot Baligod

Atty. Levi Baligod gustong tutukan usaping ekonomiya sa Leyte

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ISA pang politiko ang nakaharap namin kamakailan.

Ang kontrobersiyal na abogado noon ni Benhur Luy (remember the P10-B pork barrel scam ni Janet Napoles?) na si Atty. Levi Baligod na dating tumakbo sa pagka-senador noong 2016.

Gaya ng ibang mga magagaling at matatalinong abogado, may opinyon din si Atty Levi sa kasalukuyang sitwasyon ni dating Pangulong Duterte sa ICC sa The Hague, Netherlands.

Pero more than that, naibahagi niyang sa kanyang pagtakbo bilang Congressman sa isang distrito sa Leyte ay mas nais niyang tutukan ang mga usaping ekonomiya sa lugar.

Sobrang relatable ‘yung kuwento niya hinggil sa mga pamilya sa ilang lugar sa Leyte na kumakain ng isang uri ng root crop na may lason at kapag hindi maayos ang pagproseso nito bago kainin ay tiyak na kamatayan ang ending.

Tinatyaga talaga nilang hiwain ng maninipis ‘yung mala-kamote na root crop then ilalagay sa sako at magdamag na ibababad sa running water (ilog o sapa) para matanggal ang lason, bago nila lulutuin at kakainin,” kuwento ng abogadong  tumatakbong kongresista ng distrito 5 ng Leyte.

Kung papalarin ay nais niyang gumawa ng mga batas na mas lalong magpapatibay ng interes ng mga magsasaka (both farmers and fishermen) na dapat may proteksiyon ng gobyerno.

Nang i-segue namin ang tanong kung ano naman ang reaksiyon niya sa showbiz personalities na dumarami ang bilang sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno, sey nito, “lahat naman ay qualified as per the law ay may karapatang pasukin ang politika.

Pero dapat din nilang itanong sa kanilang sarili kung ang kakayahan ba nila ay nararapat sa mga usaping pampolitika at ‘yung mga sektor ba na nais nilang i-represent ay nauunawaan talaga nila ang mga pangangailangan?,” susog pa nito.

Although inaamin niyang nakakalamang ang mga kilalang celebrities pagdating sa madaling makahimok ng mga tao, “nasa tao talaga kung paano nilang higit na dapat kilalanin ang gustong manilbihan.”

Sa mga naging karanasan ni Atty Levi bilang abogado ng mga whistleblower at may isyu sa gobyerno, if ever daw na may magpu-produce ng movie tungkol sa kanya, wish niyang sina Dawn Zulueta at Richard Gomez ang gumanap hindi lang dahil big fan siya ng love team nina Goma at Dawn, kundi ganoo  daw ang feeling nila ng minamahal niyang asawa na tumatakbo namang mayor sa Baybay City, Malot Baligod.

About Ambet Nabus

Check Also

Sam Verzosa

3-k ni SV sagot sa kahirapan ng Maynila 

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBO bilang mayor ng Maynila, tinanong si Sam Verzosa o SV, kung ano …

Ian de Leon Nora Aunor

Ian ibinahagi huling mensahe ng ina

MA at PAni Rommel Placente AYON kay Ian de Leon sa panayam sa kanya ng 24 Oras, acute respiratory …

Sheryl Cruz

Sheryl sunod-sunod pagkilalang natatanggap

MA at PAni Rommel Placente SUNOD-SUNOD ang acting awards na natanggap ni Sheryl Cruz mula sa iba’t …

Vilma Santos Nora Aunor 2

Vilmanian kami subalit may respeto kapag nagkikita ni Nora

I-FLEXni Jun Nardo HAPPY Ester to all Hataw readers! Back to reality kahit na nga may lungkot …

Janine Gutierrez Pilita Corrales Nora Aunor Lotlot de Leon

Lotlot at Janine magkasunod na dagok dumating sa buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DOBLENG dagok din para sa mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez ang pagkamatay ni Nora …