Sunday , April 20 2025
Chiz Escudero Bato dela Rosa

Itaga man sa bato…
ESCUDERO KONTRA ARESTO VS BATO

031825 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

TINIYAK ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi niya papayagan ang kahit sino para hulihin o arestohin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa loob ng gusali ng senado, may sesyon man o wala.

               Inaasahan na kasunod nang ipaaaresto si Dela Rosa ng International Criminal Court (ICC) matapos dakpin ang dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa The Hague, Netherlands at nakatakdang litisin sa kasong Crimes Against Humanity, dahil sa iwinasiwas niyang gera kontra droga.

Ayon kay Escudero ang hindi niya pagpayag ay bilang pagrespeto at kortesiya sa institusyon ng senado.

Binigyang-linaw ni Escudero, hindi ito ang unang pagkakataon kung saka-sakaling isang senador ang hindi pinayagang arestohin sa loob mismo ng gusali ng senado.

Tinukoy ni Escudero na ilan sa mga senador na naharap sa kaso ngunit hindi inaresto sa loob ng gusali ng senado ay sina dating Senate President Juan Pone Enrile, dating Senadora Leila de Lima, Senador Antonio Trillanes IV, Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, at Senador Ramon Revilla, Jr.

Ipinunto ni Escudero, tulad ni Trillanes na namalagi sa senado ngunit hindi inaresto bilang pagbibigay galang sa tinatawag na institutional courtesy at hanggang nakakuha ng legal remedy ang senador.

Iginiit ni Escudero, maaaring arestohin si Dela Rosa kung nasa labas ng gusali ng senado.

Inamin ni Escudero, nakipag-usap sa kanya si Dela Rosa at pinaliwanagan na niya ngunit hindi niya lamang maaaring pangunahan ang kanyang legal team sa kanyang mga hakbanging legal.

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …