RATED R
ni Rommel Gonzales
BAGONG musical play ni Gerald Santos ang HAPHOW na nangangahulugan ng Humility, Acceptance, Patience, Honesty, Open-mindedness, at Willingness.
Sinabi ni Gerald na relate na relate siya sa mga katangiang ito tulad ng acceptance.
“Like what happened to me last year.”
Ang sexual abuse case na isinawalat ni Gerald last year laban sa umabuso sa kanya 19 years ago ang tinutukoy ng singer/actor.
“What happened to me, you know, I’ve accepted that fact na may mga bagay talaga na mangyayari sa atin, na hindi natin ginusto, may mga mangyayari.
“Pero iyon, mayroon dapat tayong acceptance roon, and it should not define us.”
Natanggap na ba niya ang lahat ng nangyari at lahat ng masamang pinagdaanan niya?
“Yeah, I’ve accepted it,” bulalas ni Gerald, “and I think, you know, that made me who I am today.
“Kung hindi rin dahil sa mga nangyari ngayon, hindi ako magiging ganitong strong na tao.
“So I’ve accepted that.
“And then, patience… I think, yeah, I’ve been really patient.”
Naging patient siya at nanahimik tungkol sa masamang karanasan niya sa loob ng maraming taon.
“Yeah, for 19 years in the industry, you know…
“Hindi pa ba patience ‘yun? So, yeah, I’ve been really patient.”
Relate rin siya sa honesty aspect ng HAPHOW.
“Honesty, yeah, I’ve been honest. Kahit na matagal na siyang… ‘yung nangyari sa akin, matagal na siya and then, noong lumabas ‘yung issue na ‘yun, you know, I was honest in public, with everyone, you know.
“I was naked in public with what happened to me, so I was being honest in public and also to myself,”saad pa ni Gerald.
Isang original Filipino musical, ang HAPHOW na mula sa produksiyon ng CityDanse Academy at Show Master Artist Management and Public Relations.
Mapapanood ito sa Newport World Resorts sa May 28-30 at sa September 5-7, 2025.
Si MJ Aspacio ang artistic director,
playwright, composer, at arranger nito samantalang si Antonino Rommel Ramilo ang musical director kasama si Dr. Salve B. Arbo bilang creative director at
music arranger.