Wednesday , November 12 2025
MMFF 50

Kontrobersiya sa MMFF 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAYA naman ‘yung mga traydor na hanggang ngayon ay naglilinis-linisan sa mga kampo nila, huwag kayong mag-alala.

Minarkahan na rin namin ang inyong mga pagkatao. Huwag na ninyong hintayin na maging matamis ang lasa ng tubig-dagat dahil hindi na darating ‘yun, pumuti man ang uwak at umitim man ang tagak.

Let them be. Ipasa-Diyos na lang natin ang mga iyan,” ang tila baga naririnig naming tugon ni Vilma Santos kung tatanungin namin ito tungkol sa eskandalo at kontrobersiya na naganap sa nakaraang 50th MMFF awards night.

May mga nakausap din kaming highly-placed sources na nagsasabing may ‘sabotahe’ ngang nangyari pero ano pa nga ba ang bago sa isang pestibal na ipinanganak na kakambal na ang mga kagayang eskandalo since it’s inception in the 70’s.

At the end of the day naman, labanan ng konsensiya over intellect at laman ng puso. Pero ang dapat nilang pangambahan ay kung ano ang magiging judgment sa kanila ng kasaysayan.

Take this as an example, kahit nga ‘yung panahon nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo ay napag-uusapan pa rin at nagbibigay pa rin ng confusions sa marami, iyang MMFF pa kaya?

Ay naku, lalayo pa ba tayo this 2025 lang, sumambulat ‘yung Pepsi Paloma story na over 40 years na rin and yet, nakabibigla ang simpleng teaser na damaging sa mga umano’y naging sangkot niyon.

Hala kuya Ed de Leon, nawang sa pananahimik mo riyan sa kabilang buhay ay matuto ang mga nag-traydor sa ating ate Vi na managinip ng gising hahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …