Friday , January 17 2025
San Pascual, Batangas

San Pascual, Batangas mayoralty candidate Bantugon-Magboo, Ipinadidiskalipika sa Comelec

PINASASAGOT ng Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division si San Pascual, Batangas mayoralty candidate Arlene Bantugon-Magboo kaugnay sa  inihaing petisyon  ni Danilo A. Aldovino laban sa kanya matapos padalhan ng summon.

Pirmado ni Atty. Genesis M. Gatdula, Clerk of the Commission ang Summon na inilabas noong 28 Nobyembre 2024, at inaatasan si Magboo na magsumite ng isang Verified Answer cum Memorandum sa loob ng limang araw mula sa araw ng pagtanggap nito.

Inihain ang petisyon alinsunod sa Seksiyon 78 ng Omnibus Election Code na humihiling na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni Magboo dahil sa umano’y maling impormasyon.

Ayon sa petisyon, si Magboo, na tatlong beses na naging Board Member ng Batangas, ay nagdeklara ng paninirahan sa Barangay San Mateo, San Pascual, Batangas na taliwas sa kanyang dating deklarasyon bilang residente ng Barangay Sta. Mesa, Mabini, Batangas nang tumakbo siya bilang Board Member.

Ang paglipat ng address ni Arlene Bantugon-Magboo sa San Pascual, Batangas ay para lamang makalahok sa halalan, at wala siyang established o genuine ties sa community at hindi niya rin inabandona ang kanyang permanent residence sa 103 Barangay Sta. Mesa at kasalukuyang tirahan sa Barangay Gulibay, Bauan, Batangas.

Ayon pa sa petisyon , si Magboo ay basta na lamang sumulpot sa San Pascual.

Ang petisyon ay nakatuon sa kawalan ng sapat na kalipikasyon ni Magboo sa paninirahan sa San Pascual, na isang mahalagang batayan sa kanyang kandidatura. Itinuturing itong paglabag sa batas na naglalayong tiyakin ang integridad ng halalan.

Ayon sa panuntunan ng COMELEC, ang hindi pagsusumite ng verified answer sa loob ng takdang panahon ay maaaring magresulta sa pagresolba ng kaso batay sa ebidensiyang iniharap ng petitioner.

Ang hakbang na ito ng COMELEC ay nagpapakita ng kanilang paninindigan na tiyakin ang integridad ng darating na halalan at masigurong ang mga kandidato ay sumusunod sa mga itinatakdang batas. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …

Apo sa pamangkin minolestiya lalaki kinulata bago arestohin

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 43-anyos na lalaki dahil sa alegasyong panggagahasa sa 4-anyos …